“Siguraduhin niyo lang na malinis ang pagkakapatay niyo sa babaeng yon tulad ng nauna kong pinagawa sa inyo,” wika ko ka Rambo kasama ang dalawa pa niyang mga kasama. Pinatawag ko talaga silang muli para itumba naman si Desiree. Ayoko sanang gawin dahil minahal ko naman siya ng totoo ngunit napagtanto ko talaga na pwede siyang maging balakid sa mga magaganda kong plano kapag napasakamay ko na ang mga kayamanan ng mga Chiu. Napansin ko na kasing medyo nagiging demanding na rin siya kaya dapat lang na burahin ko na siya sa buhay ko total ay wala naman talaga siyang silbi. Anong akala niya? Pakakasalan ko siya? Patawa siya. Akala ba ni Desiree ay hindi ko malalaman ang plano niya na makihati sa mga kayamanan na tatamasain ko? Kung tuso siya ay mas tuso ako. Tama na ang mga binigay ko

