“Miss, sino ka at basta ka na lang pumapasok ng walang paalam sa bahay ng mga amo ko?” isang hindi ko kilalang babae na naka uniform ng dati kong mga kasambahay ang nagtanong at pilit akong inaawat na maglakad sa loob ng pamamahay ko. “Amo? At sinong amo ang sinasabi mo na sa pagkakaalam ko ay ako ang siyang nagmamay-ari ng tinatapakan mo. At ako ang amo sa pamamahay na ito.” Sagot ko sa babae na nanlaki ang mga mata sa pagtataka marahil. Matapos lang ang dalawang linggong pamamalagi sa hacienda ay lumuwas na ako ng lungsod para nga asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Walang kahirap-hirap na iniwan ko si Connor sa pangangalaga ng tatay Samuel niya. Ang saya pa nga ng anak ko ng magpaalam akong aalis muna at iiwan siya sa hacienda. Mas malaya kasi siyang nakakagalaw sa malawak na lupa

