Chapter XX - The Confrontation

618 Words
Chapter Twenty  “Mitchelle.” Matigas nitong sabi. Napatingin si Mitchelle sa pinangalingan ng boses na tumawag sa pangalan niya. “Anton? Anton nandito kana?” Hindi makapaniwala si Mitchelle na umuwi na ang asawa niya. Papalapit na sana silang mag-ina para yakapin ang asawa nang bigla ulit magsalita si Anton. “Bakit Mitchelle? Hindi mo ba expect na mahuli ko kayo ng “IDEAL MAN” mo? Panunumbat nitong sagot. Nagulat Si Mitchelle sa sinabi ni Anton. Alam niyang hindi maganda ang kapupuntahan ng pag-uusap nila nito. “Nina baby, you go to your room muna, you play with your new Barbie dolls, Okay anak?” Agad naman sumunod sa kanya ang anak at patakbong pumasok sa loob. “Kahit papasukin mo pa ang anak mo ay alam niya na ang ginagawa mo kasama ng lalaki mo.” panunumbat pa rin ni Anton. “Pare you must be mistaken again, wala kaming relasyon ni Mitch, nagkataon lang na naroon ako kanina sa Toy Kingdom nung mahilo siya, mahinahon pagpapaliwanag ng lalaki. “Tumigil ka James! Unang una hindi ikaw ang kinakausap ko! Problema naming itong mag – asawa kaya wala kang pakialam! Gigil na tugon niya dito.” “Ano pa ba ang kulang Mitchelle? Ha? Putcha! Binigay ko na lahat sayo a! Pinakasalan kita, Binahay! Minahal! Ano pa ba ha?! Sumagot ka! Ano pa bang kulang? Ano ba ang nakikita mo sa lalaking ito?!” Galit na mga tanong ni Anton sa kanya. Ngayon nya lang nakita ng ganito kagalit si Anton, kaya hindi alam ni Mitchelle ang mararamdaman niya. Natatakot ito sa kilos ng asawa. Tanging luha lang ang nasagot niya sa asawa. Dahil hindi parin siya sumasagot ay nilapitan na siya ni Anton at gigil na niyugyog. “Ano ba Mitchelle? Bat hindi ka makasagot? T*ng*na naman! Ano pa bang kulang ha? Ano ba kayang ibigay sayo ng lalaki na to? Ha? Mas magaling ba sa Kama ha? Habang patuloy na hawak ang magkabilang mga braso ni Mitchelle. Mahigpit na ang kamay nito sa pagkakahawak kaya hindi na mapigilan ni Mitchelle ang masaktan. “Aray Anton! Bitawan mo ko, Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Nasasaktan ako ano ba?” Pagpupumiglas niya. “Pare bitawan mo sya, nasasakatan na ang asawa mo. At utang na loob pare. Buntis ang asawa mo.” Habang pinipigilan ni James ang mga kamay ni Anton. “Sinabi ng tumigil ka sa pakikialam mo! Kasabay ng kanyang mga salita ay ang kamaong tumama sa panga ni James na ikinatumba ng binata. Agad ng humarang si Mitchelle ng akmang susuntukin niya ulit si James. “Ako! Ako ang saktan mo Anton! Ako ang nagsinungaling sayo tungkol sa kalagayan ko! Iniiwasan kong malaman mo na maselan ang pagbubuntis ko para hindi nalang kami makadagdag sa mga iniisip mo! Ako Anton, Ako nalang ang saktan mo.” Iyak na pahayag nito Agad na tumigil si Anton lalo na nung Makita niya paano protektahan ni Mitchelle si James. That moment leaves him speechless. Lalo tuloy siyang naghinala na may namamagitan nga kay James at Mitchelle. Agad nakakakuha ng tyempo si James at sinuntok din sa Anton. Si Anton naman ang natumba ngayon. “Hindi mo ba maintindihan na nasasaktan ang asawa mo!? at buntis pa pa man din ngayon. Ha?!” Sigaw na tanong sa kanya. “Tumayo ka dyan at ngayon tayo magkasubukan Anton!.” Tumayo naman si Anton at pinunasan ang dugo sa kanyang labi. May maliit na nakakalokong ngiti siya habang tumatayo. “Bakit ganyan mo nalang siya protektahan James? Dahil ba ikaw ang ama ng dinadala niya? Pwes magsama kayo! at Ikaw Mitchelle, akin lang si Nina, Akin lang ang anak ko! Magsama kayo ng ideal man mo.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD