Chapter X - My Nina

550 Words
Chapter Ten Halos mag iisang oras na silang nag-uusap, Hindi nila namalayan ang oras, nang biglang tumunog ang cellphone ni Mitch. It was her daughter’s nanny calling. “Yes Tiya Lucing? How is Nina? Huh?! Bakit napano siya? Papunta nako” may pag aalala sa tinig ni Mitch. “Are you okay?” concern na tanong sa kanya ni Anton. “I’m sorry Anton, I need to go. My daughter was rushed to hospital, she needs me now, thank you for your and time and it was nice seeing you again.” Paalam nito. “Samahan na kita.” Suhestiyon ng lalaki. “No, I can manage.” Hindi pa nakakalayo si Mitch nang muntik na siyang matumba, hindi niya napansin na nakadami pala siya ng nainom na alak. Para namang knight and shining armor si Anton sa kanya. Agad siya nitong nahawakan sa braso kaya hindi siya tuluyang natumba. “You can’t drive like this Mitch, You’re too drunk. Samahan na kita.” Tumango nalang si Mitch bilang pagpayag sa alok ng lalaki. Alam niyang hindi na siya makapagmaneho ng maayos. Sa Makati Medical Center. “Tiya Lucing, Napano po siya?” May pag aalala sa boses ni Mitchelle. “Kasi anak, akala ko ay natutulog na siya, hindi ko napansin na tumayo siya ulit pagkatapos ko siyang patulugin, naapakan niya yung laruan niya na ikinadulas niya, nalaman ko nalang na nagising siya ng narinig ko siyang sumigaw, pagkakaita ko namimilipit siya sa sakit at namamaga yung paa niya, pasensya kana anak.” Paghingi ng tawad ng matanda. Paglabas ng Doktor, “Doc, kumusta po ang baby ko?” Alalang tanong ni Mitch “Okay napo si baby, na sprain ang ankle niya, tapos ko na binigyan ng yelo ang paa niya, right now, naka wrap ang paa niya. She’s sleeping, I gave her ibuprofen for the pain, she will be okay. Makakalabas na siya bukas, pero dobleng ingat nalang sa paa niya.” Sabi ng doctor bago ito nagpaalam sa kanya. “You didn’t tell me na may anak na kayo ni James.” Nakalimutan niyang hinatid pala siya ni Anton, kaya narinig ang lahat ng sinabi ng doktor. Lihim siyang natawa dahil hindi alam ni Anton na siya lang ang lalaking nakasiping niya sa buong buhay niya. “Ah – Yes, si Nina my one and only daughter.” Sagot nito “Anyway, it’s getting late, it will be awkward kung datnan pa ako dito ng mister mo, anyway if you need anything, you can call me, here’s my digit. Thanks for this night and always take care of yourself Mitchelle.” Pagpapaalam niya kasabay ng pag abot ng calling card niya. She missed calling her Mitchelle, His Anton, sayang at hindi niya nakita ang mag pipitong gulang anak nito, dahil makikita niyang kahawig sya ng kanilang anak. “Masaya pala siya at may anak na sila”, sa isip ni Anton habang palabas ng Hospital.Naiingit siya kay James, Kung sana ako na lang, I still love her pero ayokong maging dahilan ng pagsira ng pamilya nila. He needs to stop his self now for still loving her, before it will cause more heartaches and conflict to all of them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD