Nang dahil kay Avianne na laging buntot sa akin ay oras-oras kong nakikita ang pagmumukha ng mga mayayabang na 2nd year. Madalas akong tambay sa garden o sa library pero madalas na itong naookupa nang dahil sa kanila. Imbes tuloy na mag-enjoy ako sa tahimik na lugar ay na-di-distract lang ako sa kanilang presensya.
"Hale, dito ka lang, ah? Alis lang kami ni August." Tumango ako kay Avi nang hindi inaalis ang paningin sa binabasa.
Kasalukuyan kong binabasa ang librong thriller ang genre. Maganda ang plot at talagang nakakaintriga talaga kung sino ba ang killer sa kanila. Ang kaso lang ay biglang may panirang lumapit sa akin.
"Can I borrow that book?"
Hindi na ako bumaling pa kay Heize. Hinayaan ko lang siyang nakatayo sa tabi ko. Panigurado'y nang-aasar lang ang isang 'to, at hindi naman ako uto-uto para i-entertain pa s'ya.
"Hey." Inis akong lumingon at hinarap siya.
Katulad ng palagi kong nakikita, nakangisi na naman siya nang sarkastiko. Sa buong presensya n'ya, ang ngisi niyang 'to ang talagang pinakakinaiinisan ko. Bukod sa naaasiwa ako ay pakiramdam ko kasing hinuhusgahan niya pati ang mga ninuno ko. Hindi ko rin naman iyon kayang labanan kaya't wala na anong nagagawa kung 'di ang mag-iwas tingin.
"Come back tomorrow. Hindi pa ako tapos." Iwinagayway ko ang librong nasa page 46 pa lang.
"Fine," sagot nya, saka naupo sa silyang katabi ko. "Can you recommend me some novels? Gusto ko 'yung favorite mo."
Nagkagat labi ako nang may maisip na kalokohan. "In Pursuit of the Proper Sinner,"Pigil ang tawa ko nang muling bumaling sa libro.
Ipinatong niya ang siko sa la mesa at itinuon ang buong atensyon sa akin.
"Anong plot no'n?" kuryosong tanong niya na ipinagkibit balikat ko lang. Sa totoo lang ay kalahati lang ang natapos ko roon dahil masyadong mahaba. Gusto ko lang talagang lokohin siya para hindi na siya magtangka pang lumapit sa 'kin.
"Suplada!" Humalakhak siya saka umalis.
Umirap lang ako bago nagpatuloy sa pagbabasa. Ilang beses ko nang pinaulit-ulit basahin ang isang paragraph pero wala pa ring pumapasok sa utak ko.
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng library at una kong nakita sina Aziel at Maximus na may tinatawanan sa cellphone. Sa mga gilid ay nakita ko rin ang mga estudyanteng nagbabasa at 'yung mga palihim na natutulog.
"Wala naman akong nahanap na gano'n ang title." Bigla ay sumulpot na naman si Heize sa tabi ko.
Akala ko ay umalis na siya?
Umiling ako. "Walang gano'n dito. You should buy or borrow sa kung sino mang meron."
Muli akong naasiwa sa pagtabi niya sa akin. Naamoy ko rin ang bango niya na nanunuot sa ilong. Paanong naging gan'to kabango ang taong 'to?
"Hmm.. okay." Humalukipkip siya, at sa panibagong pagkakataon ay naramdaman ko na naman 'yung ngisi niyang nanghuhusga.
"Why are you still here? I can feel your stare,"sabi ko nang hindi inaalis ang paningin sa binabasang libro.
Sa totoo lang, wala na talaga akong naiintindihan sa binabasa dahil sa lapit niya sa akin. Sadyang nagkukunwari lang talaga ako sa pagpapalipat-lipat ng pahina para 'di ko na kailangan pang salubungin ang tingin niya. Ayoko. Ayokong makita ang nanghuhusgang ngisi niya, pati 'yung mata niyang naninisid kapag nakatitig. Baka ikamatay ko ‘yun. Hindi kakayanin ng pride ko.
"What am I supposed to do, then? Gusto ko ang librong hawak mo." Humalakhak siya nang mahina.
"I'll give you this book tomorrow so bukas ka na lumapit sa akin. Hindi naman bibilis ang pagbabasa ko sa pagtabi-tabi mo sa akin, eh." Umirap ako, saka inilipat nang peke ang isang pahina.
"Why? Are you intimidated?"
Sapul.
"Why would I be? I'm not like one of your girls, Heize." Sinara ko ang libro at sinalubong ang malalim niyang tingin. "If this is your so-called 'tactic' to make pretty girls fall for you, then I'm very sorry Heize. Because I'm not interested." Saka ko muling ibinalik sa libro ang tingin. Pakiramdam ko kasi'y mapapaso ako sa tingin niya. Mabuti na lang at may libro sa harap ko kaya't may nairarason ako para maiwasan ko ang pakikipagtitigan sa kanya.
"Hm.. wala naman akong ginagawa para ma-fall sila sa akin. Sila mismo ang lumalapit." Pinatunog niya nang mahina ang lamesa gamit ang dulo ng mga daliri niya. "'Tsaka ang ilap mo naman masyado. Takot ka bang magkagusto sa akin?"
As if. But sorry, Mister. I am not as dumb as your girls.
"No, I just don't want to waste my time for people like you." Ngumisi ako at nagtaas ng kilay bago bumaling sa kanya. "Ang dikit mo masyado. Gusto mo ba ako?"
Bigla ay mahina siyang humalakhak at humawak pa sa tiyan. Parang may sinabi akong malaking joke sa kanya para pagtawanan niya ako nang gano'n. Eh hindi naman talaga kami close kaya hindi niya kailangang dumikit-dikit sa akin.
"Nagbibiro ka ba? Why would I like you?" Nanliit ang mga mata niya. "I don't fall for kids."
What did he just say? Kid?
"I am not a kid." Nilabanan ko ang nangpapasong mga mata niya. "I've been joining pageants for years, Heize. I walked through lots of stages with people intently watching me. And what am I wearing? A swimwear."
Dahil nakatitig ako sa kanya ay nakita ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon niya. His eyes darkened pero hindi ko na iyon nakita pa dahil mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Hindi mo ako kaya, Heize.
"Fine, babalikan kita bukas." Saka siya umalis nang 'di man lang binabaling ang tingin sa akin.
Finally. I am back at peace.
Kinabukasan ay na-late ako sa pagpasok kaya kinailangan kong makapasok nang sikreto sa opisina ni Mr. Magtanong. Essay pa naman ang pinagawa niya sa amin at malaki ang hatak no'n sa grades. Sana nga lang ay walang makahuli sa akin.
Dahil ayaw kong may makakita sa aking pumasok sa main door ng opisina ng prof ay doon ako dumaan sa likod ng school. Doon madalas tumatambay ang mga nag-cu-cutting classes dahil malayo iyon sa mga dinaraanan ng professors. Sana lang ay walang tao ro'n ngayon. Kapag nagkataong mayroon ay baka isumbong pa nila ako kay Mr. Magtanong. Pero 'di ba, dapat na ako ang magsumbong dahil nag-cut class sila?
"Heize, parang dinadaya mo ako ah!"
Nang marinig ko ang pangalang iyon ay parang gusto ko nang bumalik sa classroom at magmukmok dahil sa hindi napasang essay. Pero hindi pwede, sayang ang uno.
"Ako ulit?" Boses ng babae.
Nang makalampas ako sa humaharang na building ay saka ko lang silang lahat naaninag. Syempre ay magkakasama sina Heize, Aziel, at Maximus. Mabuti nalang at wala si Augustine dahil ipaghihiwalay ko talaga sila ni Avi kung sakaling makita ko man siya rito.
"Heize naman eh!"
Nakita ko rin ang apat na babaeng kasama nila. Hindi pamilyar ang mukha, paniguradong nagpalit na naman sila ng babae.
Iniwas ko na lang ang tingin at nagdire-diretso sa daan papuntang likod ng opisina. Binilisan ko pa ang lakad ko dahil ayaw kong makita nila ako. Bukod sa hassle ay ayaw ko ding maging awkward ang lahat.
"Si Hale." Rinig kong boses ng lalaki, si Maximus siguro.
Kahit na narinig ko iyon ay hindi ako lumingon sa kanila. Natatakot akong sa paglingon ko ay may makita pa akong hindi na dapat pang makita.
Narinig ko ang kalansing ng mga bote. Ang iba'y mukhang nabasag pa nga. Siguro ay iniisip nilang isusumbong ko silang nag-iinom sa oras ng klase. Though, wala naman talaga akong pakialam dahil may gagawin din naman akong hindi kaaya-aya.
"Hale!" Nakarinig ako ng tumatakbo papalapit sa akin. Hindi ko iyon nilingon. Kilala ko ang boses na ‘yun. "Saan ang punta mo?"
Sinabayan ako ni Heize sa paglalakad pero hindi ako bumaling sa kanya. Naka-focus ako ngayon sa kung paano ako makakapasok sa office ni Mr. Magtanong ngayong nandito't nakabuntot sa akin ang lalaking 'to.
Bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad bago bumaling sa kanya. Sa sitwasyon ngayon ay kailangan kong lunukin ang pride ko para mapakinabangan ko ang presensya niya.
"Hindi ko kayo isusumbong." I licked my lower lip. "Kung tutulungan mo ako."
"Ano ba ‘yun?"
"Kailangan kong mailagay 'to sa office ni Mr. Magtanong kasama ang papers ng classmates ko." Iwinagayway ko ang bond paper na muntik ng magusot sa higpit ng pagkakahawak.
Mahina siyang humalakhak. "You're wise, huh."
Nagkibit balikat ako at sinuong ang init. "Hmm.. Kayo rin."
"Fine, I'll help you. Ano bang role ko rito? Look out mo?"
"Pwede. Just make sure na walang ibang papasok. And bantayan mo nang maigi ang labas dahil baka sumulpot ang prof ko."
Nang makarating sa likod ay pumasok ako sa likurang bintana. Si Heize naman ay nagbabantay sa labas ng front door katulad ng iniutos ko sa kanya. Mabuti na lang at nakasalpak lang sa isang sulok ang mga ipinasang papel kanina kaya agad kong isinama roon ang papel ko. Nilagay ko pa iyon sa bandang gitna para hindi mahalata.
Nakalabas naman ako sa opisina niya nang buhay kahit na sobrang lakas ng dagundong ng dibdib ko. Pakiramdam ko kasi ay tatraydurin ako ni Heize at iiwan ako mag-isa. Mabuti na lang at kahit papano'y may konsensya siya.
"Ano ba ‘yung pinagawa sa inyo?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik.
"Essay."
Wala akong planong makipag-'small talk' pa sa kanya dahil naiinis pa rin ako sa ngisi niya. Nang makatakas kasi kami ay hindi na nawala iyon. Parang hinuhusgahan niya ako sa ginawa ko (na kahusga-husga naman talaga).
"Pawis na pawis ka, wala ka bang pamalit?"
"Bakit? Mabaho na ba ako?" Inamoy ko ang uniform ko.
"Hindi. Basa na kasi sa pawis ang likod mo. Baka matuyuan ka."
Naniningkit ang mata ko nang bumaling sa kanya. Call me assuming or whatever pero I think he's trying his flirting skills on me. But nah.
"Are you really concerned or gusto mo lang akong landiin?" Nagtaas ako ng kilay.
Napakamot siya sa ulo, "Bakit ba sa tuwing may sasabihin o gagawin akong unusual sa 'yo, ganyan na agad ang iniisip mo?"
"Ikaw na rin ang nagsabi, Heize. It's 'unusual'. That's why I find it suspicious."
"Bawal bang concerned lang talaga?" pamimilit niya.
"You're a playboy, Heize. My trust issues for you are way higher than those clouds." Humalakhak ako at iniwan siya.
Katulad ng sinabi niya ay naghintay nga siya sa library. Nagulat pa nga ako nang makita ko siyang nakaupo sa tabi ng usual spot ko. Mukhang na-observe na rin niya kung anong oras ang free time ko para tumambay dito.
"Here," Agad kong inabot sa kanya ang librong kating-kati siya basahin.
"Thanks. Anong next mong babasahin?"
Nagkibit balikat lang ako at naglakad papunta sa book shelves ng library. Gusto ko pa ring magbasa ng thriller novels kahit na masakit ‘yun sa ulo minsan.
"Nagpabili ako kay Mama no'ng librong sinasabi mo." Biglang sumulpot sa tabi ko si Heize. Sumandal pa siya sa shelf habang nakatingin sa akin.
"Really? Nabili na ba?" walang interes kong sabi. I didn't think na seseryosohin niya ‘yun. But who knows, baka tamarin lang din siya sa kapal no'n.
"Hmm.. sinimulan ko kagabi."
Napalingon ako. He didn't complain? In-expect ko pa namang sa unang tingin niya pa lang ay susukuan niya na agad ‘yun.
"Kumusta? Maganda ba?" Hinugot ko ang isang lumang novel at naglakad na papalapit sa upuan ko.
Syempre ay bumuntot pa siya sa akin. Wala nga si Avi pero mukhang siya pa ang papalit sa kanya.
"Oo, may namatay agad." Humalakhak siya. "Mahilig ka sa mystery and thriller novel, 'no?"
Tumango ako.
"Ayaw mo ng romance?" Naningkit ang mga mata niya.
"Nope. Not interested." sagot ko at nagsimulang basahin ang unang pahina.
"Why?"
Sinara ko ang libro ang nag-angat ng tingin sa kanya.
"Romantic novels are lame."
"Why? You don't believe in love?"
"There's a huge difference between fictional and real love, Heize. Fictional love only exists because you have your imagination and expectations of how it should be. But in reality, it is purely absurd. Kaya nababaliw ang tao sa pag-ibig eh. Dahil nagpakain sila sa expectations nila!"
He looked at me with amusement on his face.
"No, Hale. Kaya nababaliw ang tao sa pag-ibig ay dahil nagmahal sila. You confidently believe that their hopes ate them up, but you're wrong. They go crazy because their experiences were way beyond their expectations. And yes, I agree with what you've said earlier, fictional and real love are different from each other. Because fictional romance only gives us the impression, but after all, it is the reality that gives us the real meaning of love."
Bahagyang napaawang ang bibig ko. I also refrained from laughing.
"I can't believe I'm hearing those words from a heartbreaker." Umiling-iling ako, pilit pinipigilan ang pagtawa.
"Why? What should I be, then? A shaman?"
"No. Ang ibig kong sabihin, it's very unexpected na manggagaling 'yan sa 'yo." ngumisi ako. "Akala ko nga ay anti-love ka dahil hindi ka nagseseryoso sa mga babae mo."
Napakunot ang noo niya.
"What do you know about love, Heize?"
"How 'bout you? What do you know about love?"
Humalukipkip siya at muling ngumisi sa akin.
"Nevermind, you should seek answers yourself."