KABANATA 8

2070 Words
"Hale.” Lumingon ako kay Avi na patawa-tawa pa habang nakatutok sa cellphone niya. Kakarating ko lang sa school at gano'n na agad ang bungad niya sa akin. May panibago na naman daw kasing issue mula sa isang blog, at kami na naman ni Heize ang dawit doon. Paano kasi'y nag-IG story pala ang lalaking 'yon ng video ko habang nakatalikod kahapon sa studio. Sakto pa na ginawa ko ang signature move ko sa maiksing video na 'yon. May caption pang 'day 1: road to miss universe' kaya medyo natawa ako. "So ano? Kayo na ba talaga?" Tumaas ang kilay ni Avi habang nag-iiscroll, siguro'y nagbabasa na naman siya ng comments. "Hindi nga. Magkaibigan lang kami, Av." Mukhang hindi pa siya nakuntento. Binasa pa niya nang malakas ang mga magagandang comments at siniguradong maririnig ko iyon. "'Di ba last year pa naman sila close? Baka naman sila talaga. Huwag na lang kayong makialam kung hindi niyo naman kasingganda si Hale." Basa niya na ikinatawa naming pareho. Kasalukuyan kaming nasa gym, pinapanood ang training ng mga 3rd year. Masyado kasing makulit itong si Avi dahil gusto raw niyang makita ang abunjing bunjing niya. Wala nga silang ibang ginawa kung ‘di ang i-cheer nang i-cheer si Augustine na nagpapa-cute pa sa kanya. "Oh Santiago, Alcaraz. Nandito na naman kayo." Ngumisi ang coach nila nang makita kami. "Opo coach. Sinusuportahan ko po kasi ang boyfriend ko." Humagikgik si Avi. "Oh ikaw, Santiago, sinong sinusuportahan mo?" Nag-init agad ang pisngi ko dahil sa pang-aasar niya. Ang akala niya kasi ay boyfriend ko si Heize dahil madalas akong pumupunta rito, eh si Avi lang naman ang sinasamahan ko. "Si Dela Vega raw, Coach." Humalakhak nang nakakaloko si Avi kaya naman ay agad ko siyang hinampas. Ngumisi ang coach nila bago bumaling sa mga naglalaro at pumito. "Players, break muna! Dela Vega may sasabihin daw sa ‘yo si Santiago." Agad nanlaki ang mata ko. Narinig ko pa ang kantyawan ng mga players habang ngingisi-ngisi namang naglakad papalapit sa akin si Heize. Hindi na ako nakapagreklamo pa kay Coach dahil agad siyang nagpunta sa kabilang bench. Napapikit ako nang mariin. Ano namang sasabihin ko rito? "Ano 'yon, Hale?" Napayuko ako nang maramdamang nag-init na naman ang pisngi ko. Paano kasi'y umaalingasaw na naman ang bango niya kahit pawisan! "Wala! Niloloko ka lang ni Coach." Nag-iwas ako ng tingin. Humalakhak siya at kinuha ang bag niya sa tabi. Kinuha niya ang tubig at ang towel niya roon saka muling bumalik at tumabi sa akin. "Wala kayong rehearsal?" tanong niya habang pinupunasan ang mala-cologne niyang pawis. Napalunok ako. Para akong naging estatwa dahil naiilang ako sa presensya niya. Kung hindi lang talaga ako inasar-asar nina Coach at Avi ay malamang, hindi ako maaasiwa nang ganito. "Wala ngayong araw. Ang sabi'y magpahinga raw muna kami." Nagkunwari akong nakatingin kina Avi na nasa harapan kong bench. Ayaw kong salubungin ang tingin niya, 'no! "Mabuti 'yan. Ayaw mo bang tumambay sa library? 'Di ka naman ba na-bo-boring-an dito?" "Wala akong kasama eh. Gusto ni Avi panoorin ang boyfriend niya rito." Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil parang nagiging robot na ako kung magsalita! "Pahiramin na lang kita ng libro na mababasa mo." Umalis siya at muling kinuha ang bag niya. "Eto lang ang dala ko ngayon eh. Pasensya na ha?" Tinignan ko ang librong dala niya. Romance iyon pero wala na akong pakialam! Gusto ko lang ng alibi para hindi ko na salubungin ang makapigil hiningang tingin niya. "Ayos lang. Salamat." Agad kong binuklat ang unang page. Best-selling romance novel ang nakasulat doon. "Magpasama ka kay Avianne kung aalis ka. Balik na ko ro'n ha? Tawag na kami eh." Ginulo niya pa ang buhok ko bago umalis. Agad kong inilabas ang hanging namuo sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa kanya. Siguro'y dahil lang 'yon sa issue at sa pang-aasar nila sa akin. "How I Loved Being In Love" "Chapter 1.” Nagkagat-labi ako dahil maganda kung tignan ang pagkaka-print niyon. She drowned me in the flood of euphoria. Whenever I'm with her, I felt nothing but delight and contentment - Her smile makes my heart pound deeper as she dimples; As I hear her giggle, my mind goes crazy like an idiot, like a fool who's crazily elevated; Every time she's around, I sweat with the pool of excitement - And for me, she is the epitome of happiness. When she's happy, she makes me happier; When she's in love, I love her harder. Hindi ako kailanman naging fan ng romance novels, pero sa unang pahina pa lang ay nakuha na nito ang atensyon ko. It made me wonder kung totoo bang in love 'yung author. It also made me wonder kung totoo kayang ganito ang kayang gawin ng pag-ibig. Tama si Heize, nagbibigay lang ng impression ang fiction novels, but you'll still end up wondering if it's real. In the end, kakailanganin mong ma-experience bago mo malaman ang sagot, pero kailangan mo ring maghanda kung ang sagot sa ‘yo'y disappointment. "Chapter 2" She locked me in the room of sadness. Her smile fades as her brows furrowed. Her voice rises along with her words of anger. But why? Why does she stop smiling at me? She knows her laugh leaves me at peace, but why does she do the opposite? Her words were like daggers aiming at me, to destroy me, to wreck me. But I still understand. Because she loves me... And I can withstand being alone locked with sadness. 'Cause I know that she's there. And she will save me. She makes me sad, but she saves me to be happy. Napakagat ako ng labi. The author was very honest to even include the downfalls of love. Akala ko ay puro mga magagandang bagay lang ang ilalagay niya rito. Hindi na ako magtataka na based on true story 'to. Nararamdaman ko ang emosyon ng author, pakiramdam ko ay nasa tabi niya ako habang sinusulat niya ito. Kaya pala best-selling romance novel ito. "Kumusta? Maganda ba?" Napatalon pa ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Heize. Kung dati ay nagkukunwari lang akong nagbabasa, ngayon naman ay siya na ang kinalimutan ko habang nagbabasa. Nakakatawang sa isang romance novel pa ako magkakaganito. "Hmm.. maganda siya. Pilipino ba ang author nito?" Sinilip ko ang book cover. "Kaapelyido mo pa oh. Hades Anthony Dela Vega." "He's my father." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Ilang segundo pa bago ko naproseso ang sinabi niya. Author ang daddy niya? Paano nangyari 'yon? "Totoo ba?" nakanganga kong sabi. "Yes, he's a famous author here in the Philippines and also sa ibang bansa. Kadalasan ay romance novel ang sinusulat niya. 'Yun nga ang mga pinapabasa ko sa ‘yo noon. Kaso.. ayaw mo." Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt! Hindi ko alam na mga sinulat pala ng tatay niya 'yung bundok na librong dinadala niya sa akin. "Kaya ba hopeless romantic ka? Dahil sa mga sinusulat ng daddy mo?" Mahina akong humalakhak nang medyo maka-recover na sa revelations niya. "Lahat ng sinusulat niya ay galing sa buhay niya." Humalakhak siya. "Kung makita mo silang magkasama ni Mommy, malamang ay magiging katulad kita." Nagkagat labi ako. Inaalala ko ang mga nangyari noon na pinagtatawanan ko siya dahil sa mga paniniwala niya sa love. Well, sina Mama at Papa rin naman ay gano'n. Sadyang nasa dugo ko lang siguro talaga ang pagiging bato sa mga ganyang bagay. Naupo si Heize sa tabi ko at uminom ng tubig. "Pupunta ba tayo sa studio mamaya?" "Hindi raw muna kasi aalis si Gina mamaya." Bumaling ako sa librong hawak. "Pwede pahiram muna?" Ngumisi si Heize, iyong ngisi niyang nanghuhusga. Ang sakit pa rin talaga sa mata! "Oh? Akala ko ba ayaw mo sa romance?" Nagtaas siya ng kilay. "Bawal ba? Sige 'wag na lang." "Biro lang naman! Sige hiramin mo muna." Humalakhak siya. Hinintay pa naming matapos ang training nila Heize bago kami naghanda sa pag-alis. Si Avi naman ay pinagmumukha akong invisible dahil sa pagiging focused kay August. Sina Aziel naman at ang iba nilang teammates ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Kaya naman nang nagligpit na ng gamit ang lahat ay nagsimula na namang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Mabilis akong nagpanggap na busy sa pag-aayos ng gamit kahit na wala naman talaga akong aayusin pa. Kaya naman nang makita kong papalapit na sa akin si Heize ay mas binagalan ko pa ang pagliligpit, kahit na halos sumabog na ang dibdib ko sa kaba. Ano bang problema mo sa buhay, Hale?! “Hi, may gagawin ka pa ba mamaya?” Napahawak ako sa dibdib nang dahil sa gulat. Alam kong paparating siya pero hindi ko naman in-expect na ganito siya kalapit sa akin ngayon! “Uh, wala naman. Diretso na pauwi sa bahay,” sagot ko, pilit itinatago ang pagkailang. Sana lang ay hindi niya mahalata iyon. “Ikaw? May pupuntahan ka pa ba? Pwede naman akong mag-commute na lang!” Bigla ay may sumilip na ngisi sa gilid ng labi niya. Nag-iwas pa siya ng tingin bago mahinang tumawa. “Aayain sana kitang kumain sa labas.” Ang kumalmang puso ko ay muli na namang nagwala sa hindi malamang kadahilanan. Pati ako ay hindi rin maiproseso ang sinabi niya. Ano raw? Kakain? Saan? “Hindi naman kita pinipilit sumama. Baka na-pre-pressure ka ah.” Tumawa siya saka kinurot ang kaliwang pisngi ko. Nahalata niya bang nag-pa-panic ako kaya niya sinabi ‘to? Paano kung nahalata niya nga? Ano na lang ang iisipin niya? “Huh? Hindi naman ako na-pre-pressure ah!” depensa ko pa. “Tara! Sama ako! Saan ba? Baka malayo ‘yan ha, ayokong gabihin.” Agad siyang ngumiti nang malaki bago inagaw sa akin ang bag ko at isinukbit iyon sa kanang balikat niya. Nauna na siyang naglakad kaya wala na akong nagawa pa kung ‘di ang sumunod sa kanya. “Uy, Hale! Uuwi ka na?” taking tanong ni Avi nang makasalubong namin siya. Pinupunasan pa niya ang pawis ni August. Dahil sa pagtawag niya sa akin ay nagsipaglingunan din ang iba pang players ng basketball team. “May pupuntahan pa kami, Avianne. Pahiram muna ng kaibigan mo, ha?” sagot ni Heize saka huminto para apiran ang teammates niyang malaki ang ngisi sa amin. “Eherm,” si Avi, nanunukso ang tingin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil nababasa ko ang takbo ng utak niya. Malamang ay iniisip na naman niyang may malisya ang lahat, kahit na ang totoo ay wala naman talagang something, magkaibigan lang kami. “Bawal bang sumama, pre?” Humalakhak si August, nanunukso. Pati tuloy ang mga teammates nilang nakikinig ay nakisulsol pa sa pang-aasar sa amin. “Saan ba ‘yan,tol? Bawal bang makisabay?” “Daya mo, tol. Gumaganyan ka na ngayon ah” “Eto na nga ba ang sinasabi ko.” “Goodluck pre, galingan mo.” Napairap ako. Si Avi naman ay mahina ang paghagikgik sa tabi ko. Nanunukso pa ang tingin niya sa ‘kin na kala mo naman ay may tinatago ako sa kanya. “Tumigil ka, Avi. Wala kang mahihita sa ‘kin. Mamatay ka man.” Mahina kong sabi kaya agad siyang napasimangot. “Tara na, Hale. Baka gabihin pa tayo,” aya ni Heize matapos labanan ang pang-aasar ng lahat. Agad din naman akong sumunod sa kanya. “Anong gusto mong kainin?” “Uhm, ano.. Kahit ano na lang. Ikaw ang bahala.” Pautal-utal pa ang pagkakasabi ko no’n. Naghahalo ang hiya at kung anong kiliti sa tiyan ko. Kasalanan mo ‘to, Avi! “Huh? Eh kaya nga kita inaya para makakain ka ng gusto mo. Huwag ka nang mahiya, Hale.” Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin. “Eh wala naman akong alam sa mga ganyan. Tusok-tusok lang ang alam ko,” pangangatwiran ko pa nang makapasok na siya sa driver’s seat. Agad na kumunot ang noo niya. “What? Tusok? What’s that?” Napanganga ako sa gulat. Ganyan ba siya ka-rich kid na pati ang street foods ay hindi niya alam? “Yung fishball? Kwek-kwek, kikiam, barbecue. Hindi mo alam?”natatawang tanong ko. “Ang dami mong pakulo, Hale. Malamang ay alam ko ‘yun! Nagulat lang ako dahil hindi ko alam na tusok-tusok pala ang tawag do’n.” Tumawa siya saka lumingon para alisin sa pagkaka-park ang sasakyan. “Doon na lang tayo. Saan ba may malapit na gano’n?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD