KABANATA 7

2399 Words
"So bale ang susuotin mo sa casual ay itong black." Isinampay ni Gina sa panibagong rack ang dress na bumagay sa akin kanina. "Ang sa sportswear ay itong sa car racing." Maganda kung tignan ang sportswear na napili namin. Longsleeves na fitted ito at may mga print na pang-car racing sa likod. Pinaghalong black and red iyon pero may mga details na kulay black and white na katulad sa isang chess board. Meron ding triangle cut sa pagitan ng turtleneck at dibdib kaya exposed ang parteng iyon. May kasama rin iyong black and white checkered na sumbrero at high heeled boots naman na umaabot hanggang tuhod ang kapares no'n na sapatos. Hindi rin ito common kumpara sa volleyball, badminton, at golf attire na madalas inilalaban sa pageant. Panigurado'y maraming magugulat dito. Ang sa long gown ay isang off-shoulder fitted gown na umaabot hanggang sahig. Silver iyon at makinang din, backless pero may mga strings na pakalat-kalat sa likod. May slit din para hindi masyadong makulong ang paa ko sa pagka-fit nito. Ang national costume ay inspired sa clothing style ng mga Igorot. May malaking traditional vase din akong hahawakan at may head dress akong puno ng mga pakpak ng manok. Bahag lang din ang pang-ibaba niyon pero tube type naman ang sa pang-itaas. Mayroon ding accessories sa paa, kamay, at leeg na pinapalibutan ng mga pakpak ng manok. Napag-usapan din naming lalagyan ako ng temporary tattoo sa magkabilaang braso. Ang lingerie naman ay mukhang pang-runway. Hindi ko nga alam kung ilang manok at pigeons ang k*****y niya para makaipon ng ganito karaming pakpak. Ang design kasi na ginawa niya ay isang makinang na white bralette at cycling shorts at may pakpak ding susuotin na mukhang galing pa sa totoong ibon. White na high heeled boots na hanggang tuhod naman ang sa sapatos. All white iyon at ang sabi niya pa'y malakas ang impact no'n sa audience dahil maghahalo ang innocence at sexiness sa akin. "Bumalik ka rito 1 week bago ang pageant mo. Pagagandahin pa natin 'yang lakad mo," bilin niya pa sa akin nang ihatid kami sa labas. "Oo, Gina. Salamat ah!" Si Gina ang magiging makeup artist ko sa paparating na pageant. Siya ang gumawa ng mga costume ko kaya naman paniguradong gamay niya kung paano ang ayos na babagay sa'kin. Sa lahat kasi ng pageant na nasalihan ko ay talagang siya ang tumutulong sa akin, pati nga ang paglakad ko ay siya ang mga nagturo kung paano gawin nang maayos. "Ikaw na ang panalo," bungad ni Heize nang makapasok kami sa sasakyan niya. "Huwag ka ngang paasa." "Kahit nga ako'y na-e-excite rin. Ang gaganda ng mga damit mo, Hale. Pwede ka na ngang sumali sa Miss Universe." Mahina siyang tumawa. Napatitig ako sa kanya, hindi maitago ang ngiti. "Alam mo... Iyan ang pangarap sa'kin ni Papa. Gusto niyang makatapak ako sa stage ng Binibining Pinas. Pero syempre, ang goal ko ay manalo at maging Miss Universe." "Hindi malayong mangyari 'yan, Hale. Matutupad mo 'yan." Sa sumunod na mga araw at linggo ay medyo naging maluwag na kami sa mga activities at iba pang mga gawain. Dalawang linggo na lang kasi bago ang Intrams kaya't naging busy na ang lahat sa paghahanda, pati ang mga professor. Halos buong araw din kaming excused dahil sa rehearsals ng Miss Intrams, pero wala naman kasing ginagawa talaga sa klase. May mga itinuro rin sa'ming sayaw para sa intermission (na isang linggo pa bago ko natutunan) at ni-rehearse din ang mga lalakaran namin. Ay sabi'y ieextend pa raw ang stage sa gitna, so parang runway nga ang mangyayari. "Manonood ang basketball team?" rinig kong sabi ng isa. Agad akong napalingon mula sa backstage at nakita ko nga ang mga 3rd year na kumukuha ng silya sa gilid. Unang hinanap ng paningin ko si Heize, at syempre ay nando'n siya sa pinakagitna, tutok na tutok pa sa stage. Hindi ko alam kung bakit nandito ang basketball team. May kutob akong kinontsaba sila ni Heize. At tama nga ako... Sa oras na tumapak ako sa stage ay nagsimulang magsigawan ang mga nanonood. Ang kaninang tahimik na grupo nila ay biglang umingay para lang i-cheer ako. Natawa pa nga ako nang bahagya nang makitang nangunguna pa si Heize sa pagsigaw ng 'SANTIAGO! SANTIAGO!' na sinusundan naman ng teammates niya. Nakakahiya pero nakakatuwa at the same time. "Hale.” Napalingon ako sa isang babaeng representative ng 3rd year. "Yes?" "Boyfriend mo ba si Heize? Pansin kasi naming lagi kayong magkasama." Nasa tabi niya rin pala ang limang candidates na mukhang mataray. Ngumiti ako. "No, we're just friends." Saka umalis at tumabi roon sa first year na mukhang kinakabahan. Ilang beses ng may lumapit sa aking candidate para lang tanungin iyon. Siguro ay napapansin din nila ang pagiging malapit ko kay Heize, dagdag pa ang mga issue na nadawit pa kaming dalawa. Hindi na rin naman namin pinakialaman ‘yun ni Heize dahil masyadong baliw ang mga fans niya sa chismis. "Ate, inaway ka rin nila?" inosenteng tanong niya sa akin. Bahagya akong natawa at nagkibit balikat na lang. Wala naman silang ibang magagawa kung ‘di ang manood lang sa buhay ko. Kahit anong pakikiusyoso nila ay wala silang mahihita sa akin. "Ate, sa tingin ko, ikaw ang mananalo rito." Napalingon ako sa freshman na katabi ko. "Huh? Bakit naman?" "Sa lakad mo pa lang, supalpal na kami. Paano pa kapag isinama mo pa 'yang ganda, tangkad, at appeal mo 'di ba?" Humalakhak siya nang mahina. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Minsan kasi ay medyo humihina ang loob ko dahil sa mga kalaban. Nasabi ko nga rin iyon kay Heize kahapon kaya siguro nagdala siya ng mga alagad niya rito para i-cheer ako. Ang cute. Sa buong linggong iyon ay nakikita ko si Heize na nanonood sa rehearsal namin. Nasasaktuhan niya rin ang oras ng paglabas ko sa stage kaya't napapanood niya ako. Natatawa pa nga ako dahil pati sina Aziel, Maximus, at Augustine na kasama niya ay pinipilit niyang i-cheer ako. Nakakataba ng puso. "Heize, daan muna tayo sa bahay. Naiwan ko pala ang heels ko." Aligaga akong nagkalkal sa bag ko kakahanap sa susi ng apartment. Isang linggo na lang bago ang pageant kaya naman papunta na naman kami sa studio ni Gina. Syempre ay nagprisenta na naman si Heize na samahan ako katulad ng nakasanayan. Mula kasi noon ay araw-araw na niya akong hinahatid pauwi. Wala ring kaso dahil mas nakakatipid pa ako sa pamasahe. "Wala ba dyan? Baka naipit sa libro or notebook mo?" sabi niya na pasulyap-sulyap pa sa bag ko habang nagmamaneho. "Hindi ko makita eh. Baka naiwan ko sa kwarto!" naiiyak na sabi ko. Nasa bakasyon pa naman ang landlady ngayong linggo kaya hindi ako makakakuha ng spare key sa kwarto ko. "May hairpin ka ba r’yan?" biglang tanong niya. Ilang segundo pa akong tumitig sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung anong connect no'n sa problema ko. At dahil nga judgmental ako, hindi ko alam na para pala sa pagbubukas niya ng pinto ang hairpin na hinahanap niya. Bigla tuloy akong nakonsensya sa panghuhusga sa kanya. "Hale, pihitin mo nga." Utos niya. Matapos ang tatlong minuto ay nakahinga ako nang maluwag dahil nabuksan niya ang pinto. Patalon-talon pa ako dahil akala ko'y sa kalsada na ako titira sa isang linggo. "Pasok ka." Binuksan ko ang pinto at tumakbo papunta sa mga bagay na makakalat sa mata. "Malaki naman pala ang apartment mo." Naglibot siya ng tingin. "Ikaw lang mag-isa rito?" Nagtanggal ako ng sapatos at lumingon sa kanya. "Oo kasi nasa probinsya ang magulang ko. Wait mo ko ha! Magbibihis lang ako at kukunin ko lang ‘yung heels ko!" Mabilis akong pumasok sa kwarto at nagbihis. Dumidilim na kasi at ayokong gabihin kami masyado mamaya. Baka kasi pagalitan pa siya ng parents niya nang dahil sa'kin. "Tara na!" Aligaga akong sinuot ang tsinelas ko. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at agad din naman siyang sumunod sa akin paglabas ko. Pagdating doon ay iginiya kami ni Gina sa kabilang studio. Doon ay bumungad ang dalawa pang kaibigan niyang isang babae at isa ring bakla. Ilang segundo lang ang itinagal nila sa akin dahil agad na naagaw ni Heize ang atensyon nila. Napaubo pa nga ‘yung babae at bumulong na ang gwapo raw. "Heize, sure ka bang dito ka lang? Pwede ka naman nang umuwi.. Magcocommute na lang ako," bulong ko sa kanya habang isinusuot ang heels ko sa tabi niya. "No. Papanoorin kita at sabay tayong uuwi." Wala na akong nagawa dahil mukhang desidido talaga siyang masubaybayan ang journey ko. Nakakahiya pa nga dahil minsan ay napupuna nila Gina at ‘yung mga kaibigan niyang sina Harley at Kim ang mga mali ko. Tinuruan din nila ako ng iba't-ibang mga pose para raw hindi gaanong paulit-ulit ang pinapakita ko. Marami akong natutunan sa kanila. Nagustuhan din nila ‘yung 'Whirl Walk' ko pero may mga in-advice pa sila para mas mapaganda ko pa iyon, bagay na ipinagpasalamat ko. "Pero huwag mo munang ipakita sa rehearsal 'tong mga tinuro namin ha? Gusto kong mawindang ang mga kalaban mo!" Humalakhak si Harley. "Salamat po! Salamat Gina, Salamat Kim." Alas-otso na ng gabi nang matapos kami. Mabuti na lang at hindi nainip itong si Heize sa panonood sa akin. Minsan ko na nga rin siyang nahuling v-in-i-video ako. Ewan ko kung para saan ‘yun. For documentation siguro. "Gutom ka na ba, Heize?" tanong ko. "Why? Ipapagluto mo ba ako?" Ngumisi siya kaya bahagya akong napasimangot sa hiya. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Gabi na eh." "Nope. My parents are both busy." Nagkibit balikat siya. "Anong ulam ba ang gusto mo?" tanong ko. Narinig ko pa nga ang mahina niyang paghalakhak. "Ikaw ang bahala, Heize. Makikikain lang naman ako." Tumawa siya. Nang makita ko ang mga ingredients na nasa ref ay napagdesisyunan kong adobong manok na lang ang lutuin. Medyo kinabahan pa nga ako dahil baka hindi pumasok sa panlasa niya ang luto ko, baguhan pa man din naman ako sa pagluluto. Kanina ko pa nga napapansin ang paglilibot libot niya sa apartment ko. Pati ang mga picture frames ay inuusisa niya rin. Mabuti na lang at hindi ko dinala ang childhood pics kong mukhang yagit. "Saan ang probinsya mo, Hale?" rinig kong tanong niya habang binubuklat ang photo album na dinala ko pa. "Bantayan Island, Cebu." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, siguro ay ito ang unang beses niyang narinig iyon. "Maganda ro'n. Gusto mo dalhin kita doon pagka-graduate mo?" Biglang nagliwanag ang mata niya. "Pwede?" "Basta libre mo 'ko plane tickets," biro ko pa. Sa buong gabi ay nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga tourist attraction sa probinsya namin. Ipinakita ko pa nga ang mga beaches at mga kweba na makikita roon. Namangha pa siya dahil nakita niyang white sand at mukhang eco-friendly ang mga lugar. Ipinakita ko rin sa kanya ang mga pictures nila Mama at Papa sa cellphone ko. Ngiting-ngiti pa nga siya habang tinitignan ang mga ‘yun. "Diyan ka lang ha. Maliligo lang ako saglit." Paalam ko nang makaramdam ng panlalagkit sa katawan. Gano'n na lang ang gulat ko nang marinig ko mula sa kwarto ang boses nina Mama at Papa. Nagmadali akong lumabas at nanlaki pa ang nga mata ko nang makitang hawak niya pa rin ang cellphone habang naririnig ko ang boses nila Mama. "Ay sus ginoo! Gwapo kaayo ning bataa oy!" Si Mama. "Unsay ngalan nimo, 'noy?" Agad kong inagaw ang cellphone kay Heize. Nakita ko sina Mama at Papa na sobrang lapit sa screen at mukhang nag-aagawan pa sa cellphone. "Kinsa tong lalaki, 'day?" Si Papa, mukhang gulat na gulat pa. Nagbuntong hininga ako at tumabi kay Heize na mukhang litong-lito sa mga sinasabi nila Mama. Inilayo ko ang cellphone sa amin para makita nila kaming dalawa. Doon ay mas lumapit pa sila sa screen kaya naman tumabi na lang ako nang husto kay Heize para hindi na sila mag-agawan pa. "Ma, Pa. Huwag na kayong magbisaya kasi hindi niya raw kayo naiintindihan," sabi ko, pigil ang tawa nang hilahin ni Heize ang damit ko. "Hala 'di naman ako nagreklamo ah!" bulong niya pa. Ilang minuto pang nag-agawan sina Mama sa cellphone para lang matingnan nang maiigi si Heize. Sumuko na lang ako at ibinigay ang cellphone ko sa kanya. "Kausapin mo sila. Magtatagalog 'yan." Bahagya akong natawa at umalis para maghain sa lamesa. Naka-loudspeaker iyon kaya naririnig ko ang boses ng magulang ko. Sa inaasta nila ay mukhang ngayon lang sila nakakita ng lalaking ganyan kagwapo. Kahit ako man ay ngayon lang din napansin iyon. "Hello, 'nak? Anong ngalan mo?" Pilit ang pagtatagalog ni Papa kaya natawa ako. "Hello po. Ako po si Heize Andrius Dela Vega." Nakita ko pa ang pagngiti niya. Umiling na lang ako nang marinig ang comment ni Mama na pati ang pangalan daw ay gwapo. Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng mga plato habang pinakikinggan sila. Mukhang handa na yata silang ampunin ai Heize dahil tuwang-tuwa sila rito. "Boyfriend ka ba ni Celestina, 'noy?" Mahinahon ang boses ni Mama. Agad akong sumigaw at sinaway siya pero nginisian lang ako ni Heize. "Ay hindi po! Naka-focus po kasi si 'Celestina' sa pag-aaral niya." Sumulyap pa siya sa akin at ngumisi nang banggitin ang second name ko. "Sayang naman!" Tumawa si Heize sa sinabi ni Mama. "Hindi naman namin 'yan binabawalan mag-boyfriend, 'noy. Pero kung ganito kagwapo man ang kaibigan niya, aba, mas lalong hindi bawal!" "Mama naman!" Tatawa-tawa akong lumapit sa kanila. Si Heize naman ay napayuko na at mukhang nagpipigil ng tawa. "Kagaling talaga mamili ng dalaga ko," rinig kong sabi ni Papa. "Punta ka rito sa probinsya, 'noy! Magbakasyon kamo diri ni Celestina." Nagbuntong hininga na lang ako at nagsandok ng kanin. Mukhang kinalimutan na nga nilang nandito ako dahil puro si Heize ang kinakausap nila. Pakiramdam ko'y b-in-a-backstab nila ako paharap! "Opo, Sir. Ang sabi po ni Celestina ay dadalhin niya ako riyan pagka-graduate ko." "Ayay anong sir? Papa na lang ang itawag mo sa akin!" Nanlaki ang mga mata ko. "Oh sige na manoy. Nandito na kasi ang pinsan ni Celestina. Ibaba na namin ha?" "Sige po, ingat po kayo dyan!" Kumaway-kaway pa si Heize sa cellphone. Napairap ako. Ako ang tinawagan pero hindi man lang ako hinanap? Nakakatampo naman! "Ang bait ng pamilya mo, Hale." Lumapit siya sa lamesa. Saglit pa siyang humalakhak bago muling nagsalita. "Paano ba 'yan? May basbas na 'ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD