Mabilis na lumipas ang pageant. Matapos ang isa-isang pagrampa sa stage habang suot ang aming long gown ay agad na rin kaming pumwesto sa gitna ng stage para sa Major Awards at Question & Answer Portion. Muling umakyat ang emcee sa stage saka isa-isa kaming pinuri. Hindi ko na gaanong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil ngawit na ngawit na ang panga ko sa kangingiti. Nanginginig na rin ang tuhod ko sa ngawit dahil sa heels kong manipis. Mas kinakabahan pa nga akong matumba kaysa sa paparating na Q & A portion. "Orayt! Habang inaantay natin ang list of Major Awardees ngayong gabi, kausapin muna natin ang mga Candidates natin, ano?" Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa amin. Nagsimula siya kay Candidate number 4 na mukhang kinakabahan pa. "Hello, Miss Candidate! Anong nararamdaman mo

