"Ang lakas ng cheer sa 'yo sa labas ah. Balita ko ay nagdala raw ng mga alagad si Heize," ngingisi-ngising sabi ni Gina sa akin habang pinapatungan ng makapal na golden glitter ang eyeshadow ko. National Costume na kasi ang kasunod na category at medyo matagal ang ibinigay na oras sa amin para mag-ayos.
Umirap ako. "Huwag ka ngang mang-asar. Gusto kong mag-concentrate."
Mahina siyang humalakhak bago muling nagsalita, "Wag ka ngang umirap dahil nilalagyan ko pa ng kulay ang mata mo. Sinasabi ko lang naman ang nabalitaan ko, 'di ba dapat pa nga ay ma-motivate ka?"
Umalis siya saglit para maghalungkat sa kanyang pouch dahil may ilalagay raw siyang winged eyeliner sa mata ko. Nang makuha niya na iyon ay agad din siyang bumalik sa akin nang hindi naaalis ang ngiti sa labi.
"Pero isipin mo ha, grabe ang efforts na binibigay niya para sa 'yo. Magmula noong sumali ka rito, hindi ba ay lagi siyang pahatid-hatid sa 'yo? Sinasamahan ka pa nga sa rehearsals mo kahit na minsan ay nakikita kong palihim siyang natutulog." Hindi ako nakasagot sa mga sinasabi niya sa takot na baka pag gumalaw ako ay masira ang inilalagay niyang eyeliner. Masyado na kasing makapal ang eyeliner ko at paniguradong masisira iyon kapag nagkamali at binura pa. "Tapos kanina, nag-effort pang saluhin ang problema mo. Nagdala pa ng pagkain!"
Bigla akong napaisip sa mga sinabi niya. Sa loob nga lamang ng ilang buwan ay hindi ko na rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang mga ginagawa niya para sa akin. Kung noon pa nga ay halos magsuntukan na kami dahil sa galit ko sa kanya, ngayon naman ay halos siya na rin ang nakakaalam at sumasalo ng mga hinaing ko sa buhay.
"Wala namang ibang meaning 'yan, friends lang talaga kami." Pinilit kong hindi ipahalata kay Gina ang kaba ko nang sabihin iyon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin para sabihin iyon. "'Tsaka ano ka ba, iba ang trato niya roon sa mga babae niya dati sa kung paano niya ako tratuhin ngayon."
"Ay bakit? Seryosohan ba 'yun? Hindi naman 'di ba? Ikaw na nga mismo ang nagsabi sa 'king walang nagtagal sa kanya. Eh ikaw? Gaano katagal na ba kayong magkaibigan?"
I scoffed, pilit na kinokontra ang mga sinasabi niya. "Wala naman 'yun sa tagal naming magkaibigan. Ang sa akin lang, kung may gusto man siya sa akin ay malamang, dapat ay ligawan niya ako. Anong gusto mo? Asahan ko na may gusto siya sa akin eh nag-a-agree nga siyang magkaibigan lang kami."
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Gina nang makita ko ang kanyang repleksyon sa salamin pagkadilat ko. Iniiwas niya ang tingin sa akin kaya napairap na lang ako.
Nahulog ako sa patibong..
"Wala naman akong sinabing may gusto siya sayo, ah?" Humagikgik siya nang mahina, takot na marinig ng mga kasama namin sa tent. ""Tsaka ano ka mo? Ligawan ka niya? Pfftt."
Agad na nagsalubong ang kilay ko kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili na tumawa.
"Manahimik ka nga, Gina. Masyado kang ma-issue kaya nalilito na ako sa mga pinagsasabi mo," palusot ko pa.
"Ayos lang 'yan, Celestina. Tayo lang naman ang nakarinig." Saka muli siyang humalakhak nang malakas bago kinuha ang curler at inisa-isang ilagay sa buhok ko.
"'Wag mo kong kausapin, teh. Nandidilim ang paningin ko sa 'yo. Alam kong hindi mapipirmi iyang inner marites self mo kaya ikalma mo 'yan kung gusto mo pang makilala 'yung mga lalaking kasama ni Avi kanina."
Agad niyang itinikom ang kanyang bibig nang marinig ang pagbabanta ko. Nakikita ko pa rin ang ngisi niya sa kanyang mata pero hinayaan ko na lang din iyon dahil mukhang nang-aasar lang naman siya.
Sakto sa pagtapos ng pag-aayos sa akin ay muli na kaming tinawag papunta sa backstage. Mabilis lang din ang proseso dahil katulad sa palaging ginagawa ay isa-isa kaming rarampa sa stage saka magsasama-sama muli para sa awardings.
Gamay ko na ang stage kaya hindi na ako nahirapan pa sa pagrampa. Syempre ay iniayon ko ang mga pose at ang lakad ko sa category at sa suot ko. Malakas pa rin ang sigawan lalo na sa pwestp nila Avi. Nakita ko pa nga si Heize na mukhang nag-vi-video pa habang ang isang kamay ay busy sa paghawak ng malaking tarpaulin na may pangalan ko. Napangiti ako nang makita iyon.
"Ayan! Talaga nga namang ang gaganda ng ating mga candidates, ano?" Umakyat na sa stage ang emcee at tinignan kami isa-isa. "Grabe rin talaga ang rampahan! Daig niyo pa ang Miss Philippines!"
Nagsigawan ang mga audience nang tumigil sa harap ko ang emcee. Nakangiti siya ngayon sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Eto si Miss Tourism, kanina ko pa ito napapansin eh." Nagsigawan muli ang mga audience. "Ano ba, teh? Sa Miss Universe ka ba sasali at grabe ang aurahan mo today?"
Tinutok niya sa akin ang mic kaya sinabi ko na lang ang kung anong laman ng utak ko. "Maybe soon."
Napa-wow ang audience at ang iba naman ay nagpalakpakan.
"Woohhh!! Manok ko 'yan!"
"Ang ganda mo Santiago!"
Napalingon ang emcee sa mga audience nang muli na naman silang mag-ingay. Tumawa pa ito nang malakas bago bumalik sa kanyang pwesto sa gitna.
"At dahil nga maingay na naman ang ating crowd, handa na ba kayong malaman kung sino ang ating 'Darling of the Crowd'?"
"YESSSS!!!"
"BUSINESS AD!"
"ARCHI! ARCHI!"
"TOURISM! SANTIAGO!"
Nagkanya-kanyang sigaw ang lahat kaya mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko.
"But first.." pinutol ng emcee ang sigawan. "Let me call on Miss Alberta Salazar to present and award the sash for our Miss Darling of the Crowd. Miss Salazar?"
Umakyat sa stage ang isa sa mga matatandang judges. Binati pa kami nito bago tumabi sa emcee na nakatingin na ngayon sa cue card kung saan nakalagay ang pangalan ng awardee.
"Hmm.." pabitin ng emcee. "Our Miss Darling of the Crowd goes to..."
Nanginig ang tuhod ko kasabay ng palakasan ng sigaw ng mga nanonood.
"Congratulations... Congratulations once again, Candidate Number 8, Miss Hale Celestina Santiago!!"
Muli na namang nagpalakpakan ang lahat, at sina Avi naman ay mas nilakasan pa ang pag-iingay. Nakikita ko pa nga mula rito ang pagngiti ni Heize sa akin.
Nag-picture taking pa kami sa stage bago kami muling pinabalik para sa kasunod na category, ang lingerie. Ito ang pinakainaabangan sa lahat, bukod kasi sa pagandahan ng mga suot ay mukhang magpapagalingan ulit kami sa rampahan. Balak kasi talaga nilang career-in ang mala-runway fashion show na datingan.
Mabilis lang akong inayusan ni Gina. Natuwa pa nga ako dahil nakalitaw ang abs ko ngayon kahit na ang dami kong kinaing burger kanina. Nang magsama tuloy kaming lahat sa backstage ay agad nagsipagtinginan ang ibang mga candidates sa katawan ko. Though, tyan lang naman ang exposed.
"Balak mo ba talaga kaming lamunin? As expected, ang ganda mo." Si Alec, nagsalita nang magsimula na sa pagrampa ang pang-unang kandidata. Nakapila na ulit kami ngayon habang isa-isang rumarampa ang lahat sa pagkakasunod-sunod nito.
Binalik ko ang papuri sa kanya. Siya rin naman ay maganda. May headband siyang pangdevil at pakpak na itim at pula. Diretso ang kanyang damit hanggang sa hita at mahaba rin ang medyas niya na lampas sa tuhod. Fitted ang kanyang damit kaya kahit hindi ito exposed ay kitang-kita pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ang ibang mga kandidata ay magaganda rin ang suot at mukhang pinaghandaan nang todo ang category na ito. Sa tingin ko ay mahihirapan ang mga judges sa pagpili ng Best in Lingerie dahil walang tapon sa lahat ng mga costumes namin.
Nang matawag na ako ay as usual, sinundan ko ang beat ng kanta at nilaro ang stage at ang suot ko. Malakas na naman ang sigawan at palakpakan ng lahat habang naglalakad ako suot ang costume kong ginawa ni Gina.
Ni hindi ko na nga namalayan ang buong pagrampa ko dahil natuwa ako masyado sa momentum na iyon. Mas lumakas pa kasi ang sigawan at halos lahat ay namangha sa aking suot. Bumalik lang ako sa diwa nang makarating na ulit ako sa backstage at naghintay na muli kaming tawagin lahat.
Lumipas pa ang oras at nagsimula na namang magtawag ng judges para sa awardings. Hindi ko alam na may nga ganito palang awards dito sa Manila. Sa probinsya kasi ay kakaunti lang ang mga ibinibigay na minor awards.
Muli akong tinawag bilang "Miss Flawless" kaya nagpunta akong muli sa gitna at tinanggap ang sash na dala ng mga judges. Nakipagkamay pa sila sa akin bago kami humarap sa photographer para sa picture taking.
Nang muling magtawag para sa pangalawang award ay ang pangalan ko na naman ulit ang tinawag ng emcee. "Miss Best Body" ang tawag doon na hindi ko naman maintindihan. Sa tingin ko kasi ay hindi dapat kami niraranggo o ipinagkukumpara dahil lahat naman kami ay iba-iba at may kanya-kanyang body type. Pilit nga lang ang ngiti ko nang tanggapin ko ang award na iyon.
Dahil sa pagod ay hindi na ako gaanong nakapag-enjoy sa mga naganap. Long gown na ang kasunod na category at Q & A. Hindi ko nga lang alam kung mas mauuna ba ang Major Awardings o ang Question and Answer. Sana lang ay mas mauna ang awards para kahit papano ay maibsan ang kaba ko.
Nagkibit balikat lang siya saka itinaas ang maliit na banner na may mukha ko. Bahagya akong natawa dahil napaka-random no'n. Bakit niya naman kasi biglang itataas 'di ba? Unless nang-aasar ang isang 'to.
Napukaw lang muli ang atensyon ko sa pageant nang banggitin ng emcee na simula na raw ng Q & A portion. Unang tinawag ang Candidate Number 1 at pinabunot siya ng number. Nakuha niya ang number na nakalaan doon sa mukhang mabait na judge. Nagtanong ito tungkol sa climate change at nasagot din naman niya iyon.
Sunod pang tinawag ang iba pang mga kandidata. Mahabang proseso pa kasi ang ginagawa sa tuwing may tanong. I-interview-hin ka pa ng emcee bago ka papabunutin ng numero. Pagkatapos ay maghihintay ka pa sa assigned judge bago sabihin ang tanong sa iyo.
Nasa Candidate Number 2 pa lang ang Q & A kaya pinilit kong pukawin ang sarili ko. Natatakot kasi akong ma-mental block mamaya lalo na't nabablangko talaga ang utak ko kapag wala ako sa diwa o inaantok.
Tinignan kong muli si Heize at palihim pa kong napangiti nang makita na nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumiti siya at nag-thumbs up saka iwinagayway ang banner na dala niya. Mabuti na lang at busy sa pakikinig ng sagot ng mga audience kaya hindi nila napapansin ang kabaliwang ginagawa ni Heize ngayon.
Nilingon ko ang mga katabi kong kandidata at nakahinga ako nang maluwag nang makitang lahat sila ay naka-focus sa pakikinig sa sagot ng kandidata. Halata pa sa itsura ng iba na sila'y kinakabahan kaya nakampante akong walang makakakita sa mga pinaggagawa namin ni Heize ngayon. Mahirap na at baka magalit na naman sa akin ang mga fans niyang delusyunal.
Natapos na sa pagsagot si Number 2 kaya muli ko muna ibinaling ang atensyon ko sa pageant. Nag-commercial break na naman kasi sila dahil mukhang hindi pa tapos ang listahan ng pasasalamat kanina. Hindi nuna ako tumingin kay Heize dahil baka mapansin iyon ng ibang tao lalo na't mukhang wala namang nakikinig sa mga pinagsasabi ng emcee ngayon.
Matapos ang mahaba-habang pasasalamat ay tinawag na ang kasunod. Nang maibigay na sa kanya ang tanong ay sinigurado kong lahat ng mga nanonood at ang mga kapwa ko kandidata ay naka-focus sa kanyang sagot. Nakita kong lahat sila ay nakabaling ang tingin sa kanya kaya palihim kong binalingan ng tingin si Heize na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
Hindi na bago sa akin itong nahuhuli ko siyang nakatitig pero hindi nababawasan ang epekto no'n sa akin. Sa bawat tingin ko kasi sa kanya ay humahataw pa rin ang kaba at ang kabog ng dibdib ko. Mas kinakabahan pa nga ako sa tingin niya kaysa sa mga nangyayari ngayon.
"Last but not the least, let me call on, Miss Candidate Number 8 for the Question and Answer portion."