KABANATA 18

1041 Words
Nang makarating sa backstage ay mabilis akong nagpunta sa corner na natatakpan ng mga kurtina. Hinubad ko ang suot kong sports attire saka mabilis na isinuot ang casual wear na pinili para sa akin. Ito ang black dress na backless at fitted. Dahil nga sa paghahanda ko sa pamamagitan ng pag-wo-workout ay agad kong nakita ang pagkakaiba nito ngayon kumpara noong una ko itong sinuot. Mas nadepina ang kurba ng katawan ko at mas nagmukha itong elegante sa akin. Lumabas ako at agad na naupo sa silyang kaharap ng salamin saka hinayaan si Gina na tanggalin ang boots kong lampad tuhod.  "Grabe! As expected, ikaw talaga ang nag-stand out! Ikaw ang may pinakamagandang costume at ang galing din ng pagkakadala mo!" muli niyang papuri sa akin kaya't napangiti ako nang bahagya. "Ang daming pumuri sa iyo kanina, pati ako'y kinikilig sa mga sinasabi nila tungkol sa 'yo." Nagsimula na ulit siya sa pag-aayos sa buhok ko. Hindi naman mahirap ang style na gagawin niya itatali lang naman iyon sa likod. Malinis ang pagkakahati ng buhok ko at diretso na ang panali sa likod. Nilagyan niya rin ng malaking hook earrings ang tenga ko at silver na elegant necklace naman ang sa leeg ko. Nang matapos na ang ni-retouch niya ang makeup ko, binura pa niya nang kaunti ang eyeshadow para gawing smokey eye ang style nito.  Katulad ng kanyang kagustuhan ay nag-iba na naman ang aura ko. Kung kanina ay medyo playful ang vibe ko, ngayon naman ay nagmukha akong elite na taong papunta sa isang fashion show. "Suotin mo ito." Iniabot niya sa akin ang isang malaking shades na kamukha ng mga ginagamit ng mga artistang girl power ang concept sa mga drama. "Alam mo naman na siguro kung paano laruin 'yan, ano? Mas maganda na mag-entrance ka na suot iyan, mapupunta agad ang atensyon sa 'yo." Kinuha ko ito sa kanya saka sinukat at tinignan kung babagay ba ito sa akin. Napanganga pa nga ako sa pagkamangha dahil mukhang alam niya talaga ang ginagawa niya. Bagay na bagay iyon sa akin at sa suot ko. Paniguradong sa pagtapak ko pa lang sa stage habang suot ito ay tapos na ang laban. Naririnig ko pa ang intermission number ng Music Club kahit na tapos na kami sa pag-aayos. Nagamay na rin kasi ni Gina kung papano ma-ma-manage ang time sa kada segment kaya hindi na siya nanibago pa. Nang lingunin ko siya ay nakita ko siyang hinahawakan ang mga sash of awards na nakuha ko kanina. Mamayang pagtapos ng Question and Answer portion ay saka i-a-announce ang mga Major Awards katulad ng Best in National Costume, Best in Long Gown, at iba pa sa kada category. Wala pa sa kalahati ang program pero halos nahakot ko na ang mga Awards. Mas gusto ko nga lang na makakuha man lang ng kahit isang trophy mula sa mga Major Awards. Nang tawagin kaming muli ng Head Representative ay muli na kaming bumalik sa aming pwesto sa backstage at nag-abang para sa oras ng pagrampa namin. Halos lahat sa kanila ay long dress ang isinuot, and iba naman ay katulad sa mga isinusuot sa office. Ako lang talaga itong mukhang magpupunta at rarampa sa harap ng mga paparazzi. "Lastly, Candidate Number 8, Miss Hale Celestina Santiago o f Tourism Department!" Nang tawagin na ang pangalan ko ay agad kong isinuot ang sunglasses ko at nagsimulang rumampa papunta sa gitna. Narinig kong lumabas ang sigawan nila at mayroon ding sabay-sabay na napa-wow. Pinigilan ko ang sariling mangiti habang nag-po-pose sa unang bahagi ng stage. Nang lumipas ang mahigit sampung segundo ay dumiretso na ako papunta sa runway stage kung saan tumigil muna ako saglit para dahan-dahang tanggalin ang shades ko. Malakas na naman ang naging sigawan nang ihagis ko iyon kasabay ng pag-ikot ko na binansagang 'Whirl Walk'. Tinignan ko isa-isa ang magkabilaang panig ng audience at nang makarating sa gitna ay nginitian ko ang mga judges na matiim na nakatitig sa akin. Tumalikod ako para ipakita ang backless part ng damit na siyang dahilan kung bakit umingay na naman ang torotot nila Avi. "Santiago! Santiago!" paulit-ulit nilang sigaw. Humarap ako muli sa judges saka hinawakan ang magkabilang balakang ko at nag-pose. Matapos ang limang segundo ay nag-flying kiss pa ako sa matandang babae na judge bago umikot pabalik sa likod.  Buong oras ng pagrampa ko ay walang humpay ang pag-iingay nila Avi. Nakita ko pa roon ang mga basketball player na nakikisigaw pa at nakikihawak ng banner na may pangalan ko. Hindi ko nga lang nakita si Heize dahil masyadong maraming tao at nasisilaw ako sa dami ng flash na nakatutok sa akin at sa umiikot na spotlight sa stage. Hindi ko tuloy alam kung tinupad niya nga ba ang sinabi niyang manonood siya sa laban ko ngayon.  "Here are the eight beautiful candidates in their Casual Attire!" Hindi na ako bumalik pa sa backstage, hinintay ko na lang na makarating na sa kani-kanilang pwesto sa stage ang lahat katulad ng aming napag-practice-an. Nang makapwesto na ang lahat ay muling nagpalakpakan ang mga audience kasabay ng paghina ng tugtog sa stage.  Huminga ako nang malalim saka pinigilan ang sarili na manginig dahil sa kaba. Puro ilaw lang ang nakikita ko ngayon dahil sa spotlight na paikot-ikot. Ngawit na ngawit na rin ang bibig ko sa kakangiti kahit na wala akong makita ni isa sa mga audience. "Grabe! Ang gaganda talaga ng ating mga candidates, ano?!" sigaw ng emcee. Agad na sumagot ang iba kaya napatawa ako nang bahagya. "Sino sa kanila ang bet ninyo?" Agad na nagpalakasan ng sigaw ang lahat dahilan para mas lalong umingay ang crowd. Tumawa ang emcee saka pabiglang nagsalita. "And now, we are going to award the candidate with the most eyecatching walk!" Muli na namang lumakas ang sigawan, lahat ay isinisigaw ang number ng kani-kanilang mga bet. "To be rewarded by Miss Pauline Joson, the Executive Director of Modelo Pilipinas.." Pabitin na nagsalita ang emcee, "This year's Best in Catwalk is..." "Number 4!!" sigaw ng mga nasa malapit sa akin. "Santiago! Santiago!" sabay-sabay namang sigaw nila Avi. "Best in Catwalk goes to..." tumingin siya sa card na hawak niya saka muling nagsalita. "Our Best in Catwalk is Candidate Number 8, Miss Hale Celestina Santiago of Tourism Department!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD