KABANATA 10

2099 Words
"WOOHHH GO HEIZE!" Mas lumakas pa ang tilian nang magsimula na ulit ang laro. Dumami na rin ang mga nanonood sa court at halos lahat ay nag-iingay na rin at nag-chi-cheer sa kanya-kanyang nilang mga bet.  "3 POINTS!!" Malakas na namang nagtilian ang lahat. Pati si Avi na kaninang focus na focus kay August ay nakikitili na ngayon kasama ang mga fangirls ni Heize. Natawa pa nga ako dahil imbes na ang kanyang boyfriend ang i-cheer niya ay mas nag-abala pa siyang magpaos para lamang kay Heize. Halos mag-hyperventilate na rin ang lahat lalo na kapag pumapasok ang bolang itinitira ni Heize. Ngumisi ako habang pinagmamasdan ang lalaking busy sa pagdedepensa ng bolang hawak ng kalaban. Pawisan na rin siya, at kahit mula sa malayo ay na-i-imagine ko ang amoy no'n. Agad na nag-init ang pisngi ko. Makasalanan! Matapos ang ilan pang minuto ay muling pumito ang kanilang coach para sa water break. At dahil sa hindi malamang dahilan, bigla na namang nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa pag-iisip na muli na naman siyang magsasabi ng kung ano-ano sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya kanina. Pati nga ang mga maaarteng bubuyog ay umalis na nang mapahiya sa paglapit ni Heize sa akin noong break nila. Dapat lang. Sino ba siya? "Ano, Hale? Ang galing ko ba?" Muli akong nagising sa diwa nang biglang sumulpot sa harapan ko si Heize. May nakasukbit na towel sa leeg niya at sa kaliwang kamay naman ay may bitbit siyang energy drink na hindi pa nabubuksan. "Uminom ka muna. Wala ka bang dalang tubig?" Tinitigan ko pa nang matagal ang energy drink na inaabot niya bago takang nagsalita, "Bakit mo binibigay sa akin 'yan? Ikaw ang uminom dahil maglalaro ka pa." Ngumisi lang siya saka muling inilahad sa 'kin ang dala. "Uminom ka nga muna. Kanina pa kayo nandito eh. 'Tsaka para may energy 'yang boses mo sa pag-cheer sa akin mamaya." Umirap ako. "Fine. Pero hindi ko kayang ubusin 'to ha." Saka ko kinuha iyon sa kamay niya at mabagal na nilagok. Kalahati lang ang nainom ko kaya binalik ko iyon sa kanya. Baka isipin niya na matakaw ako,mahirap na. "Ba't 'di mo inubos?" Nagkibit balikat lang ako.  Nanlaki ang mata ko nang buksan niya ulit iyon saka ininom nang isang lagukan.  "Did you just.." Napatakip ako ng bibig sa gulat. "Did you just drink it without wiping the inuman man lang?" Taka siyang tumingin sa akin. Wala na akong pake kahit magmukha man akong katawa-tawa sa itsura ko ngayon. Indirect kiss ang tawag doon! "Why? May masama ba roon? Hindi naman ako maarte ah."  Napabuntong hininga ako. Hindi pa ako nag-to-toothbrush, 'no! Kumain pa naman ako ng hamburger kanina! "Kahit na! You shouldn't do things like that, 'no! Hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush eh!" depensa ko, bakas sa boses ang hiya. He smirked. "And so? Hindi naman big deal 'yun. Hindi rin naman ako nakapag-toothbrush nung kumain ako kanina ah." Mabuti na lang at busy pa ang lahat kaya walang nakakapansin sa pagtatalo namin. Ang teammates niya ay nasa bench pa rin at nagpapahinga, ang mga fangirls naman ay busy sa paggawa ng banner, habang si Avi naman ay malamang, nakikipagharutan kay August. Muli akong bumaling sa kanya. "Eh kahit na! What if may natirang laway roon kanina? E 'di nalasahan mo?" I unconsciously said. "E 'di nalasahan, mas okay 'yun." "Ha?"  Napatanga ako nang ilang segundo bago muling maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Ano raw?! "Tsk. Ang conscious mo naman sa laway mo. Hindi naman pangit ang lasa eh." Nag-iwas siya ng tingin. "I'm sorry. I'll do it with your consent next time. Huwag ka nang magalit, please?" Napahinga ako nang maluwag. Finally, naintindihan niya rin! "Okay, just don't do it again, Heize."  Ngumiti siya sa akin bago muling nagpaalam dahil pumito na ang kanilang coach at sumenyas na simula na ng panibagong quarter. Nagsimula na naman tuloy na tumili ang mga nanonood lalo't mas naging agresibo pa si Heize sa paglalaro. Kumpara kanina ay mas lalong nagseryoso pa siya. Sana lang ay hindi niya minasama ang mga sinasabi ko kanina. "Alam mo na ba ang chika?" Bigla ay may demonyong bumulong sa tabi ko, si Avi. Nang lumingon ako sa kanya ay agad na bumungad ang mala-demonyo niyang ngisi, bagay na ginagawa niya sa tuwing may ikukwento siya sa aking 'big revelations' daw. "Malamang hindi. Busy ako." Umirap ako. "Taray ni ate mo girl. Huwag mo kong awayin dahil tungkol din naman kay Heize itong 'tea' na dala-dala ko." Humalakhak siya nang nakakaloko. Muli akong lumingon sa kanya at nagtaas ng kilay. Ano na naman kayang ingay ang ginawa ng lalaking iyan? "Ano 'yun? Tungkol saan? Hindi ko alam kung ano 'yan kaya 'wag ka nang magpaligoy-ligoy pa," sunod-sunod na sabi ko. Tumawa siya nang malakas saka malisyosong tumingin sa akin. "Wow, interested so much? Akala ko ba stop sniffing on their lives like a dog ang motto of your life? Anyare teh?" Nahimasmasan ako. Bakit nga ba ako interesado? Eh hindi naman pala tungkol sa 'kin iyon. "So eto na nga.." Humalakhak siya, habang ako naman ay nagkukunwaring walang paki kahit na sa loob-loob ko ay nanggigigil na ako sa mga babaeng tili nang tili. Kapag wala akong narinig sa pinagsasabi nitong si Avi ay pupunitin ko iyang mga banner niyo! Huminga siya nang malalim. "May nakakita raw kay Heize sa isang flower shop doon sa Baguio." Humagikgik siya matapos makita ang takang reaksyon ko. "Ha? Eh ano namang ginagawa niya ro'n?" "Tsk, tsk. Engot ka ba?" Umiling-iling pa siya na parang hindi makapaniwala sa kabobohan ko. "Malamang, nandoon siya para maghanap ng bulaklak!" "Eh bakit doon pa? Ang layo naman!" angal ko. "E 'di itanong mo sa kanya! Tanong mo kung bakit sa dami ng flower shop na malapit dito ay doon pa talaga siya. Ano 'yun, bulaklak ng ibong adarna ang binibili niya?" Humalakhak siya, nang-iinsulto. Agad ko siyang tinaasan ng kilay. "Baka naman may pinuntahan talaga at napadaan lang dun," katwiran ko. "Ewan. Pero bakit naman siya dadaan doon 'di ba?" Napahawak siya sa kanyang baba at nagkunwaring nag-iisip. Pati tuloy akonay nagtaka na rin. Bakit nga ba? "Unless..." Agad akong nagtaka. "Unless ano?" "Unless.. may pagbibigyan siya ng bulaklak, 'di ba?" She smirked. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling humalakhak nang mahina. "Hayy, grabe naman ang tama sa ulo no'n." Bigla rin akong napaisip. Sino naman ang pagbibigyan niya, kung gano'n? Ang sabi niya sa akin ay wala siyang girlfriend ngayon. O baka naman nagsisinungaling siya at tinatago niya lang iyon sa akin? Nakaramdam ako ng kaunting tampo. "Kanino niya naman kaya ibibigay? Kay Chelsea? May bago ba siyang girlfriend?" Humina ang boses ko. "Aba, bakit ako ang tinatanong mo? Kayo ang close sa isa't-isa, 'di ba? Siya ang tanungin mo nang deretsahan. I-fast talk mo at nang umamin!" Tumawa siya saka nilagok ang energy drink ni August. "Bakit? Sa tingin mo ba ay wala siyang girlfriend ngayon?" Tumitig ako nang matagal sa mukha ng kaibigan. Sinalubong ko ang pagkakataas ng kanyang kilay habang naghihintay sa kung ano man ang isasagot ko.  "Hindi ko alam. Ang sabi niya kasi ay wala." Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Pakiramdam ko ay may bumabara na kung anong mabigat sa dibdib ko. "Pero hindi rin naman malayong magsinungaling siya sa akin. Ayos lang." Mas lalong tumaas ang kilay niya. "Eh bakit parang ang lungkot mo? Ayaw mo ba na may girlfriend na siya ulit? Ang tagal na kayang tuyot ni Koyah mo!"  Sa sinabi niya ay agad na nagsalubong ang kilay ko. Hindi nakakatuwa! "Bakit, wala naman akong sinabi na bawal siyang mag-girlfriend ah? Pinagbawalan ko ba? Kahit maghanap pa siya ng libo-libo diyan, wala akong pake!" pagmamatigas ko pa. "Okay. Pero ayun, sinabi ko lang naman. Hindi pwedeng ako lang ang nahihiwagaan ngayon kung bakit nagpunta pa siya roon para lang sa bulaklak, 'no!" "Tss." "Hala! Ang bilis mo namang ma-bad mood. What if nagpunta lang talaga siya roon dahil naisip niyang passion niya na ang maging platito, 'di ba?" Tumawa siya. "O kaya naman, nagpunta lang siya roon para malaman kung paano alisin ang tinik sa rosas. Pwede rin namang nagpunta siya roon para malaman kung bakit nahihiya ang Makahiya 'pag hinahawakan." Umirap ako. "May pointless ka." "Hay! Ask mo na lang siya teh kung bakit. Dinadamay niyo pa ako sa possible LQ niyo eh. Umamin ka nga.." Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap ako sa mukha niyang nanunuri. Ultimo lie detector test ay mahihiya na sa pagka-judgmental ng babaeng ito. "May something sa inyo, 'no?" Naramdaman ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa mukha ko kaya agad kong inalis ang kamay niya sa akin saka nag-iwas ng tingin. Nagkunwari akong na-di-distract sa laro kahit na sa totoo lang ay wala na akong maintindihan. Ano ba namang klase ng tanong 'yan, Avi?! "Uyy, umiiwas! May something, 'no?" pangungulit niya. Pumasok ang bolang itinira ni Heize pero hindi iyon tumambay sa utak ko dahil sa nararamdamang hiya. Namumuro ka na sa akin, Avianne! "Something mo mukha mo! Sana mag-break kayo ni August." Ngumisi ako. Nang hindi ko na maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ay nilingunan ko siya. Masama ang tingin niya sa akin, mukhang bingo ako ah! "Ul*l! Sana ma-in love ka kay Heize at hindi ka niya panindigan." Humalakhak siya nang malakas kaya agad ko siyang binatukan. "Hindi ko naman ugali ang maghabol, Av. Ikaw siguro, oo." Ngayon naman ay mas malakas na ang paghalakhak ko. "Whatever, Celestina. Andyan na ang jowa mo." May ininguso siya sa gilid ko kaya agad kong nilingon iyon. Si Heize. As usual, may towel na nakasukbit sa balikat at may energy drink na hawak sa kaliwang kamay. Tumabi siya sa akin. "Hayy, kapagod! Bakit hindi ka nanood? Sayang, ginalingan ko pa naman." Na-di-distract ako sa buong presensya niya! May mga tumutulo pang pawis mula sa noo niya pero puro kabanguhan lang ang naaamoy ko. Pati ang mga ugat sa kamay niya ay nagsisilabasan na. Ano ba! Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay may girlfriend na ito. Hindi lang sinasabi sa akin. "Eherm," si Avi, nagkukunwaring pinupunasan ang pawis ni August kahit na pasulyap-sulyap naman sa amin. "Wala bang 'BAGYO', babe? Bagyo, ehem!" Napapikit ako sa hiya. "Huh? Anong bagyo, babe? Maaraw ah? Saan mo naman napulot 'yan?" Si August, nagtataka sa kabaliwan ng mapang-asar kong kaibigan. "May klase ka pa ba?" Muling bumalik ang atensyon ko kay Heize. Uminom siya ng tubig kaya't mas nadepina pa ang adam's apple niyang gumagalaw kasabay ng paglunok niya. Lord, may favoritism?  "Wala na, puro vacant na kami. Ikaw? May game pa ba kayo?" Tanong ko, iniiwas ang tingin sa kaniya. Nagkunwari akong pinagmamasdan si kuyang nag-mo-mop ng sahig. Parang gusto ko na tuloy siyang tulungan para lang makawala rito. "Wala na rin. May rehearsal pa kayo, 'di ba? Hintayin na lang kita ulit para maihatid na rin kita kila Gina. Ayos lang ba?" Nang dahil sa mga pinagsasabi ni Avianne, nagsisimula na akong mag-reflect sa mga ginagawa niya sa akin. Kung may girlfriend man siya, bakit pa siya lumalapit sa akin, 'di ba? Pwedeng friendly gesture, pero kung friends kami ay hindi rin dapat siya nagsisinungaling sa relationship status niya. Hindi ko naman siya huhusgahan kung sabihin man niyang bumalik na siya sa pagiging hopeless romantic niya. "Ano, Hale? Ayos ka lang ba? Bakit parang lutang ka ngayong araw? May problema ka ba?" Hinawakan niya ang noo ko. "Wala ka rin namang lagnat ah. Anong problema?" Nagbuntong hininga ako. Hindi ko rin alam kung ano bang problema ko, Heize. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Siguro dahil pakiramdam ko ay hindi mo ako pinagkakatiwalaan? Sa ibang tao ko pa malalaman na may ganyan ka. "Wala ah. Baka pagod lang. Marami kasing pinapagawa sa amin." Pilit kong pinasaya ang tono ng boses ko. "Huwag mo na lang kaya akong hintayin? Umuwi ka na, baka may iba ka pang gagawin eh." Mabilis na nagkunot ang noo niya saka tumitig nang seryoso sa akin. Pilit ko iyong nilabanan dahil ayoko namang isipin niya na hindi ako nagseseryoso sa buhay. "Anong problema, Hale?" Lumalim ang boses niya, tinitimbang ang emosyon ko. "Kanina ko pa napapansin na parang may problema. Ano 'yun? Ayos lang ba kung sabihin mo sa akin?" Nakipagtitigan ako sa kanya. Kahit anong pilit ko ay hindi ko makita na pilit lang ang lahat. Pakiramdam ko na ang mga sinasabi at ginagawa niya, lahat 'yun ay galing mismo sa kanyang kagustuhan. "May girlfriend ka na ba?" matapang na tanong ko na siyang ikinagulat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD