KABANATA 11

2005 Words
"Anong girlfriend?" Napuno ng pagtataka ang mukha ni Heize, na para bang ni tanang buhay niya ay hindi siya nakaranas na magkaroon ng girlfriend.  Paano kung mali lang talaga ang hinala ko? Or maybe I am being too nosy.  "Nothing, sorry." Yumuko ako, nahihiya sa sinabi. Paniguradong nagmukha akong tanga kanina! Nakakahiya naman! "Saan mo naman napulot 'yun? Wala akong girlfriend, Hale." Nagbuntong hininga siya. "'Yan ba ang dahilan kung bakit parang wala ka sa mood ngayon? Sino bang nagsabi sa 'yo no'n? Hindi naman 'yun totoo eh, promise." Nakahinga ako nang maluwag. Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. Masyado ata akong affected kahit na dapat naman ay hindi. Ano namang mali kung magkaroon man siya ng girlfriend, 'di ba? Gano'n din naman siya noon, palagi pa ngang may bago. "Wala 'yun, narinig ko lang kaya naitanong ko. Kumain ka na ba?" pag-iiba ko sa usapan. Hanggang ngayon kasi ay nakakunot pa rin ang noo niya at parang concerned pa sa itinanong ko kanina. Mali na ako, okay? Hiyang-hiya na ako kaya kalimutan mo na 'yon, please lang! "Saan mo narinig? May nag-blog na naman ba?" Inilabas niya ang kanyang cellphone at agad na i-ni-search ang isang sikat na confession page ng aming school. Agad ko rin naman siyang pinigilan bago pa niya maabot ang pinakadulo noon sa kaka-scroll niya. "Wala naman ah? Sinong nagsabi no'n? Sina Aziel ba?" "Wala nga. Kinuwento lang ni Avi sa akin na may nakakita raw sa 'yo sa Baguio," pag-amin ko pa. Napayuko na naman ako sa hiya dahil baka isipin niyang pati ang personal na buhay niya ay pinapakialaman ko na. "Ano namang meron sa Baguio? Masama bang magpunta roon?" Sabi ko nga, hindi. Tama na kasi! Hiyang-hiya na ako, Heize! "Nakita ka raw kasi sa may flower shop. Eh siyempre, iisipin nilang nandoon ka para bumili ng bulaklak na para sa girlfriend mo. Pero wala na 'yun, sabi mo naman ay wala. Baka false alarm lang. Sorry." Napapikit ako sa hiya at sa inis sa sarili ko. Maybe I really crossed the line! Stupid! "Tsk. 'Yun lang pala. My Aunt owns that shop kaya nagpunta ako roon. Akala ko naman kung ano." Ginulo niya ang buhok ko saka hinawakan ang baba ko para tumingala ako sa kanya. He is smirking. Katulad sa ginagawa niya noon. 'Yung ngisi niyang mapanghusga. Pero imbes na mainis katulad ng dati ay tila nakaramdam pa ako ng tuwa. "Sorry, nasabi lang kasi ni Avi sa akin. Hindi ko naman alam na may Aunt ka pala roon. Pasensya na." Kung pwede lang magpakain sa lupa, ginawa ko na! Pahamak lang talaga ang dulot ni Avianne sa akin! Baka mamaya ay isipin ni Heize na may gusto ako sa kanya, kahit na concerned lang naman ako. "Ayos lang, Hale. Sa susunod na may marinig kang gano'n, sabihan mo ako agad. Tsk. Uto-uto ka pa naman sa fake news." Tumawa siya kaya't napairap ako. Hiyang-hiya na ako pero patuloy lang siya sa pagbibiro. Gusto niya atang kusa akong magpabaon sa lupa? "Anong uto-uto? Syempre ay maniniwala ako, ang tagal-tagal mo na kayang walang pinapakilalang bagong girlfriend! Eh dati naman ay kada buwan meron. Matumal ba? O sadyang laos ka lang talaga siguro sa mga chix mo!" Malakas akong tumawa habang siya naman ay tumaas ang kilay sa akin, tila hindi makapaniwala sa sinasabi ko.  Biro lang naman, alam kong marami pa ring nagkakagusto sa kanya, mas dumami pa nga. Gusto ko lang talagang apakan ang ego niya para isipin niyang wala na siyang dating ngayon. "Talaga lang ha? Gusto mo bang subukan natin?" He smirked playfully. Pinasadahan niya ng kanyang kamay ang buhok niyang basa pa rin sa pawis. Taka akong tumitig sa kanya, binabalewala ang nakaka-distract niyang mukha. "Subukan ang alin?" "Subukan natin kung tunay ba 'yang sinasabi mong wala na akong dating sa mga babae."  Pinasadahan niya ng tingin ang buong court. Marami pa rin ang nagtitiliang mga babae. Mabuti na lang at natatakpan kami ngayon ng banner ng basketball team na sinadya talagang ipangtakip sa amin para umiwas sa issue. "Anong gagawin mo?" Taka kong sabi. "Kanino mo susubukan? Ang daming babae oh, hindi kaya magselos sila?"  Ngumisi siya saka nag-iwas tingin. Pinatunog niya ang kanyang mga daliri at tinanggal ang tuwalya sa leeg. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya habang mabagal siyang nagliligpit ng gamit. Nang mailagay na niya ang mga damit niya sa kanyang malaking bag ay muli siyang lumingon sa akin nang nakangisi. "Sino bang nagsabi sa 'yong sa kanila ko i-ta-try?" Nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko. "Bakit? Hindi ka ba babae?" Ngumisi siya bago mabilis na inilapit ang katawan sa akin. Shocks! Anong kaharutan ito?! Isang dipa lang ang layo ng kanyang mukha sa akin. Ang kanyang braso naman ay nakahawak sa inuupuan ko, pangsuporta sa katawan niya para hindi bumigay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang lapit niya ay pati ang hininga niya ay naririnig at naaamoy ko. Ang bango!  "Ayan. May dating ba?" Ngumisi siya sa mismong mukha ko, ni hindi man lang natitinag sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon. Samantalang ako ay halos maihi na sa shorts dahil sa kabang nararamdaman!  "Ha? Anong dating?" Natameme ako. Ang kaninang lakas ng loob ko ay agad nagtago sa kaloob-looban ng kaluluwa ko. Ni hindi nga ako makagalawa! Daig ko pa ang Statue of Liberty na nag-s-stopdance sa fiesta! "Wala ba?" Mas lumapit pa siya dahilan para mapapikit ako sa kaba. Tabang! "Bakit ka nakapikit? Are you nervous?" Dahan-dahan akong dumilat dahil sa nararamdamang hiya at kaba. At ayun, nang imulat ko ang mata ko ay agad nagsalubong ang aming tingin. Sumisilip ang kurba ng kaliwang gilid ng kanyang labi habang malalim naman ang titig niya sa akin.  Mas lalo ko pang natitigan nang buo ang kanyang mukha. Mula kilay, mata, ilong, hanggang sa... sa labi. Maganda pala ang ganitong point of view? "Hahaha.." Nagpakawala siya ng mahinang tawa bago muling bumalik sa kanyang pwesto. Syempre ay mabilis kong pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang hininga. Grabe! Parang aatakihin ata ako sa puso! Nang dahil sa ginawa niya ay nanginginig pa rin ang kamay ko, at parang may kung anong kumikiliti sa tyan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pero pakiramdam ko ay hindi ito dahil sa kaba. "Ano, Hale? Kumusta? Laos na ba talaga ako?" Muli siyang umupo nang maayos at hinuli ang tingin ko. At dahil nga sobra-sobra ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko na magawa pang labanan ang tingin niya. Nanghihina ako, Heize. Tama ka na. "Ayos ka lang?" Tumawa siya at iniabot sa akin ang tubig na galing sa bag niya. Nakalagay iyon sa malaking tumbler. "Tubig, oh. Huwag kang mag-alala, 'di ko pa naiinuman 'yan. Wala pang laway." Dahil sa kagustuhan kong iwasan ang tingin niya ay agad kong kinuha iyon at tinungga. Nanunuyo pati ang lalamunan ko at kulang pa yata ang isang balde ng tubig para maibsan ang uhaw ko. Parang mababaliw na ako! Nang maubos ko ang buong laman ng tumbler ay agad kong ibinalik iyon sa kanya nang hindi sinasalubong ang tingin niya. Unti-unti na ring tumahimik dahil nagsialisan na ata ang mga fangirls na kanina pa nakatambay sa court. Tanging ang asaran at tawanan na lamang ng mga varsity player ang naririnig ko. Pati nga ang matinis na tawa ni Avi ay rinig na rinig ko. Kung pwede lang magpasalba sa kanya ngayon ay ginawa ko na. Pero mukha aabandunahin lang ako ng isang 'yon kay mas okay pang humiling na magpalamon na lang sa lupa. "Aminin mo na lang kasi, Hale. Malakas pa rin ang dating ko." Muli ay narinig ko ang nagmamayabang na boses ni Heize. Nagmatapang ako kaya't nilingunan ko siya. Muli na namang nagwala ang dibdib ko nang makitang nakasandal siya sa kanyang upuan at nakaakbay ang dalawang kamay sa upuang nasa kanyang tabi. Nakangisi na naman siya sa akin. 'Yung ngisi niyang nanghuhusga. Nakakainis naman oh! "Ang yabang mo. Syempre ay magugulat ako, kaibigan kita eh tapos bigla mong gagawin 'yun. May magkaibigan bang gano'n ang ginagawa?" Umirap ako. "Kaibigan lang naman pala, e 'di dapat ay walang malisya." Tumawa siya nang mahina. "Tignan mo, 'pag ikaw ang gumawa no'n sa 'kin, syempre ay hindi ako magiging affected." "Ipagawa mo sa iba, 'wag sa 'kin. Dinadamay mo lang ako sa mga kalokohan mo, Heize." Nagsimula akong mag-ayos ng gamit. Nagbuntong hininga pa ako bago muling nagsalita. "Ipagawa mo kay Chelsea, matutuwa 'yun." Ngumisi pa ako bago tumayo at unahan siyang umalis sa pwestong iyon. Anong akala niya, mauuto niya ako? No way! "Santiago!" rinig kong sigaw niya. Itinaas ko ang kanang kamay ko at nag-wave nang hindi siya nililingunan. Kahit anong gawin mo, Heize, nasa akin pa rin ang huling halakhak. Kaya 'wag mo nang subukan pa! "Oh, Hale, uuwi ka na ba?" Si Avi, busy sa kanyang boyfriend na kakatapos lang mag-shower. Tumingin siya sa likod ko kaya alam ko nang paparating na ang lalaking asar-talo. "Sabay ba kayo ni Heize?" "May rehearsal pa raw sila, Avianne. Hihintayin ko lang muna siya." Si Heize na ang sumagot. Nasa tabi ko na siya ngayon at pilit pang kinukuha ang maliit kong bag. "Anong oras daw matatapos ang rehearsal niyo sa Hall, Hale? 'Di ba pupunta pa tayo kay Gina?" "Hindi ko alam. Baka matagalan nga lang dahil ngayong araw ang last rehearsal namin. Kahit mauna ka na umuwi, ayos lang. May jeep naman papunta kila Gina," sabi ko. "Ayaw ko. Sasama ako sa 'yo. Hindi naman ako busy." Tuluyan na niyang kinuha ang bag ko saka nauna nang tinahak ang daan papunta sa Hall. Lumingon pa siya para lang kumaway at magpaalam sa teammates niya saka mabilis na tinangay ang bag ko paalis. "Mukhang may i-chi-chika ka sa 'kin mamaya, ah?" Tumaas ang kilay ni Avianne, naninimbang sa kung ano man ang magiging reaction ko. "Kunwari lang akong busy kay August pero, hmm... nakikita kita." Agad akong umirap at tumalikod para sumunod kay Heize. Tinawag-tawag pa ako ni Avi para asarin pero dahil isa akong mabuting kaibigan ay itinaas ko na lang ang gitnang daliri ko bilang sagot sa kanya. Nang makarating ako sa Hall ay as usual, kay Heize na naman ang atensyon. Ni hindi nga ako pinapansin ng mga kalaban ko dahil nasa kanya ang kanilang tingin. Nagbubulungan pa ang iba, pinupuri ang lahat ng tungkol sa kanya. "Lalong gumagwapo si Heize lately, ano? Mas tumaas tuloy ang tyansa na hindi niya ako pansinin." "G*ga! Mukha nga siyang nananampal ng sampung milyon para layuan mo lang!" "Kahit ga'no kalakas pa ang sampal niya, malugod ko iyong tatanggapin." Marami pa akong narinig na bulungan pati sa mga tambay na estudyanteng nanonood sa amin. Tuloy ay hindi ko na rin napansin ang pagbabago ng stage. Nilagyan nila iyon ng extension sa gitna kaya mas mahaba na ang rarampahan. Nagmukha iyong runway kaya't mas nadagdagan pa ang excitement na nararamdaman ko.  "Okay, girls! Be ready na! Pakisuot na po ang mga heels ninyo dahil magsisimula na tayo mula sa umpisa ng program hanggang sa dulo." Announcement ng isang student council na in charge sa program. "And also, please familiarize yourself with the new set up of the stage since ganito na ito sa mismong pageant. Later, we'll let you practice your walk again para hindi kayo manibago masyado sa stage, okay?" Agad na nagsipagsigawan ang mga kasali at napapalakpak naman ang mga nanonood sa excitement. Lumingon pa ako kay Heize na seryoso ang titig sa akin. Naasiwa tuloy ako nang kaunti. "Ate, kumpleto na ba ang mga isusuot mo?" Bumulong sa akin ang tanging pumapansin sa akin sa backstage. As usual ay mukhang masaya na naman siya.  Ngumiti ako. "Oo, ikaw ba?" "Kakatapos lang daw ngayon. Hindi ko pa nga nakikita eh, sana naman ay maganda," sabi niya. "Grabe nakakahiya naman ang pwestong 'to." Napatingin ako sa kanya at takang nagsalita, "Anong pwesto?" Ininguso niya ang likod ko, kung nasaan ang mga audience. "Grabe makatitig si Kuya Heize sa 'yo. Tao rin naman ako ah?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD