Nang tinawag ako ng emcee para sa final question and answer ay ngumiti muna ako bago kinalma ang sarili. Naglakad ako nang marahan papunta sa gitnang stage kung saan naroon ang emcee. Nasilaw pa ako sa dami ng mga umiikot na ilaw, at mula sa pwestong ito ay kitang-kita ko kung gaano karami ang mga nanonood sa amin, at kung gaano kaseryoso ang mukha ng mga judges na nakahilera sa harap. Pinabunot niya ako ng numero mula sa kanyang dalang box. Binuklat ko iyon at nakasulat ang number 4. Kinuha ko ang mic at sinabi kung anong numero ang nabunot ko. Nagtaas ng kamay ang isa sa mga matatandang judges na babae. "Okay, so you will be answering a question to be given by Miss Delilah Almonte." sabi ng emcee. Ngumiti pa ang judge bago kinuha ang mic at nagsalita. Yumuko pa siya nang bahagya par

