"Oh, sa'n ka galing?" bungad ni Avi nang lumapit ako sa kanya. Kasama niya sina August at ang basketball team, mukhang naghahanda na para sa kanilang laro mamaya. Napalakas ang boses ni Avi kaya pati tuloy sila ay nagsipaglingunan sa akin. Yumuko ako nang bahagya dahil ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Ni hindi na nga ako makalingon pa dahil natatakot akong baka pag tumingin ako sa likod ko ay makita kong papalapit na si Heize. Gusto kong magpalamon sa lupa! "Sa backstage, ano, may kinuha lang!" palusot ko. At dahil nga sa ilang taong pagkakaibigan namin ni Avi ay agad niyang nahalata ang pagsisinungaling ko. Tumaas ang kilay niya kaya't nagpatay malisyaako. Nagkunwari pa akong may tinatanggal na confetti sa gown na suot-suot ko pa rin hanggang ngayon. "Oh? Galing ka na pa

