Matapos ang mahaba-habang kwentuhan namin ni Avi ay nag-ayos na kami para sa laban ng basketball team. Ni hindi ko nga kilala ang mga representatives ng course ko, tanging sina Heize lang at ang kanyang mga kaibigan ang alam kong lalaban. Ang alam ko kasi eh walang varsity player sa aming department at puro mga Engineering students lang ang mga players ng school. May tatlumpung minuto pa bago magsimula ang laro pero sa labas pa lang ng court ay dagsa na ang mga tao. Maingay rin at halos ang lahat ay may dalang mga banner. Syempre ay halos masakop na ng mga fangirls ang buong court, pero mayroon pa rin namang mga lalaki nanonood na panigurado'y mahilig din sa basketball. "Ang dami namang tao. Dapat pala ay inagahan natin," reklamo ni Avi na nakakunot ang noo habang tinitignan ang entrance

