TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 44 RESTAURANT DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MASAYA AKO sa gustong mangyari ni Ambrose at ito ay ang maayos ang relasyon naming dalawa at matutunan niya akong mahalin. Iyon ang matagal ko ng pangarap simula ng ikasal ako kay Ambrose. Isang taon din kaming nagkahiwalay ni Ambrose ng makasal kaming dalawa. Hindi kami nakapag build ng relationship sa unang buwan ng pagiging pag-asawa namin dahil umalis kaagad si Ambrose at pumunta siya ng Spain. Ngayon ay siya na ang nagsabi sa akin na gusto niyang maayos ang relasyon naming dalawa. Hindi ko na kailangan pang magmakaawa sa kanya dahil siya na mismo ang nagsabi na gusto niyang maayos ang relasyon namin bilang mag-asawa… at susubukan niya akong mahalin. Hindi ko naman siya pipilitin, kaya ko siyang

