TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 45 AKIN KA LANG DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI KO NA alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Kung pwede lang sana ay may emergency exit dito sa may restroom palabas sa restaurant ni Ken ay ginawa ko na. Ayoko nang makita si Ambrose habang kasama niya ang babaeng hilaw na iyon. Ayoko nang isipin pa kung bakit may kasamang ibang babae si Ambrose dahil ayokong masaktan lalo. Gusto ko na kalimutan kung ano ang nakita ko ngayong araw na ito. “Dianne?!” Natigil ako sa aking pag iyak ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto sa labas ng cubicle kung nasaan ako ngayon at marinig ko ang boses ni Ambrose na tinatawag ang aking pangalan. Napakunot ang aking noo at hindi na muna ako nagsalita kasi baka namali lang ang aking dinig. “Dianne, I know you’

