TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 32 JEALOUS CONFESSION DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAGSUNTUKAN SI Ambrose at Ken. Buti na lang talaga at naawat sila ng mga tao sa may cafeteria. Agad kong hinila si Ambrose palayo kay Ken at dumiretso kami rito sa may parking lot at ako na ang nag drive pauwi sa bahay namin at ako na rin ang naglinis ng mga pasa niya sa mukha at sa paggamot. Ayoko na rin kasi na malaman ng mga magulang ko ang nangyari kay Ambrose kaya inuwi ko na ito at hindi na kami pumunta doon sa hospital room ni Mom. Habang ginagamot ko ngayon si Ambrose ay kita ko sa mukha niya na parang nasasaktan siya sa pagdiin ko sa paggagamot sa kanyang mukha. Nakatingin lang din ako sa kanya, pero siya naman ay hindi makatingin sa akin. Halatang natatakot siya sa akin ngayon.

