TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 33 DESTINED DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAKALABAS NA si Mom sa hospital at okay na rin siya. Hindi na ulit tumawag pa sa akin si Andrew. Mukhang nalaman niya siguro na pina-tracked namin ang numero na ginagamit niya para pantawag sa akin. Payapa ang kalagayan ko kapag hindi tumatawag sa akin si Andrew at hindi siya nagpaparamdam. Pero may takot pa rin akong nararamdaman sa gagawin niya sa mga susunod. Pero ngayon ay na bawas-bawasan na ang takot na aking nararamdaman dahil hindi na ako mag-isa, nandiyan na si Ambrose upang proteksyunan ako at samahan ako sa laban na ito. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nangyaring confession niya sa akin noong araw na nagsuntukan silang dalawa ni Ken. He was jealous of Ken, and finally he admitte

