TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 85 SURPRISE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. KINABAHAN AKO nang sabihin ni Ambrose na magsisimula na ang misyon ng Acebo Mafia kasama si Artemis sa paghahanap ng anak nila ni Davien. Buti na lang at sinabi ni Joaquin na kaya na nila itong e-handle ng wala si Ambrose kaya naginhawaan ako ng konti. Hindi naman sa ayaw ko siyang patulungin kay Artemis, ayoko lang talaga na may mangyaring masama sa kanya. Ngayon ay naghihintay na lang din kami ng news kung nahanap na nila si Betty at kung wala bang nasaktan sa misyon na gagawin nila. “Buti naman at wala kang trabaho ngayon. Akala ko talaga ay pupunta ka ngayon sa opisina,” sabi ko kay Ambrose ng makita ko siya sa paggising ko sa aking tabi. Late akong gumigising kapag hindi ako pumupunta sa opis

