TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 84 MAFIA BOSS DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MASAYA AKO NA nakikinig sa akin si Ambrose sa aking sinabi sa kanya. Alam ko naman kasi na importante sa kanya ang grupo kaya hindi ko dapat siya pagbawalan sa gusto niya. Ito na lang ang masasabi niyang pagmamay-ari niya na hindi nanggaling sa kanyang mga magulang kahit na tumulong ng konti dito si Papa Adler, pero si Ambrose pa rin ang founder. Ang sabi ni Ambrose ay gagawan niya ng paraan ang gusot na nangyari sa kanyang grupo. Pupunta din siya sa Spain sa last week ng month at sasama ako sa kanya papunta doon. Kailangan kong ipakita kay Ambrose na suportado ako sa kanyang mga ginagawa dahil suportado naman talaga ako sa kanya kahit anong mangyari, ganun ko siya kamahal. Ngayon ay hinayaan ko

