TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 30 KAKAMPI DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NANG MALAMAN ko na naaksidente si Mommy ay labis ang panghihina ko. Nilakasan ko ang aking aking loob at agad akong umalis sa opisina namin at dumiretso na sa hospital kung nasaan ngayon dinala si Mom. Kahit na umiiyak ako at nanginginig ay nilalakasan ko pa rin ang loob ko lalo na’t ako lang mag-isa at nagdadrive ako ngayon ng sasakyan. Pagkarating ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa emergency room at doon ko nakita si Dad at ang kapatid ko na si Stella. “D-Dad! S-Stella!” Mabilis akong lumapit sa kanila at sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Dad at muli na naman akong naiyak. “H-How’s Mom?” tanong ko ng matapos kaming nag yakapan ni Dad. Napahagod siya sa kanyang buhok bago siya magsal

