TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 29 PANGHIHINA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NAGSESELOS NGA ba si Ambrose? Pero impossible… bakit naman siya magseselos? Hindi niya naman ako mahal? Sinasabi niya lang iyon sa akin upang may masabi ako kay Daddy na inaalagaan ako ni Ambrose at hindi niya ako pinapabayaan. Sinusunod niya lang ang favor ni Dad.... iyon lang iyon! Hindi nga siya rito sa kwarto niya na naging kwarto ko na rin natulog kagabi eh. Iniiwasan niya ba ako? Lumabas na ako ng kwarto ng matapos na akong maligo. Agad kong hinanap sa paligid si Ambrose ngunit pati kanyang anino ay hindi ko mahanap. Nang makababa ako sa hangdan ay nakasalubong ko si Manang Lucia. Nginitian niya ako at binati. “Good morning, Ma’am Dianne! Tapos na akong magluto ng breakfast. Kumain ka na do

