TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 105 LEAVING ALONE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. OKAY NA ngayon si Ambrose at nakakalakad na rin siya ngayon at malakas na ulit. Dahil sa nangyaring engkwentro ng pauwi kami galing sa inspection, agad na pina imbestiga nila Ambrose kung sino ang pasimuno ng gulo na iyon. At tama nga ang mga hinala nila, si Antonio ang nag utos ng mga grupong sumugod sa amin. Nang malaman ni Ambrose ang totoo ay pinautos niya ang mga tauhan nila na dakpin si Antonio at ngayon ay nasa poder na ng Casa Russo si Antonio. Dahil gusto kong malaman ang dahilan niya kung bakit niya trinaydor sila Ambrose ay sumama ako ngayon kung saan nila dinala si Antonio. Nakagapos ito ngayon at nakaupo siya sa isang silya. Marami na rin itong mga pasa sa mukha na para bang ka

