TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 104 WORTHLESS DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. PAKIRAMDAM KO ay wala akong silbi. Lagi na lang gulo ang dala ko sa buhay ng ibang tao simula pa noon. Wala na akong nagawang tama. Tama rin siguro sila… ako lang talaga ang makakapag pabagsak kay Ambrose. Sisirain ko lang ang buhay niya. “D-Dianne…” mahinang tawag ni Ambrose sa aking pangalan. Napangiti ako ng pumasok ako sa isang kwarto kung saan nagpapahinga ngayon si Ambrose. Masaya ako na makita siyang gising na ngayon pagkatapos ng naing operasyon niya kanina. Naging tagumpay ang operasyon sa kanya at ngayon ay nagpapalakas pa rin siya. Pinagbigyan ako nila Vince na puntahan si Ambrose dahil kahit ayaw nila sa akin, asawa pa rin ako ni Ambrose at wala na silang magagawa dun. Unti-unti ako

