TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 116 HAPPY BIRTHDAY DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI KO na kinausap ulit si Ken ng gawin niya iyong paghalik sa akin. Ilang ulit niya akong tinawagan, pero hindi ko sinasagot ang kanyang mga tawag. Ayoko munang masira ang mood ko. Hindi pa ako handang kausapin ulit si Ken. Ayokong pilitin ang sarili ko na makipag-usap sa kanya dahil baka sa huli ay masira ang pagkakaibigan namin. Ayokong masira ‘to at kahit na sinira na niya sa pamamagitan ng paghalik sa aking labi kahit ayoko, iintindihin ko pa rin siya. Pero kailangan niya muna akong bigyan ng time para makapag isip. “Happy birthday, Ambrose!” bati ko sa aking asawa ng magising na siya sa kanyang pagtulog. Nakauwi na ako sa bahay at magkatabi na ulit kami ni Ambrose. Niyakap ko siya ng

