TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 117 THE SURPRISE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MASAYA AKO na nakikitang masaya si Ambrose ngayon. Kausap niya ngayon sila Papa Adler at ang mga Coleman. Habang ako naman ngayon ay kasama si Athena at si Artemis. Kumakain na kami ngayon at nakaramdam talaga ako ng gutom kaya marami ang nilagay ko ngayon sa aking plato. “Dianne, parang tumataba ka…” Natigil ako sa aking pagkain ng magsalita si Athena. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siya na seryoso na nakatingin sa akin. Tumango-tango naman si Artemis bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang kapatid. “Kaya nga. Iyan din ang napansin ko kanina eh, hindi ko lang masabi,” sabi naman ni Artemis. Nakaramdam ako ng konting kaba kaya napainom ako ng tubig ngayon bago ako muling tumin

