TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATAA 118 DISAPPEAR DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. AKALA KO ay tapos na ang kalbaryo ng buhay ko, pero hindi pa rin pala. Mas lalo lang itong lumala habang tumatagal at marami pang nadamay. Nang dahil sa nangyaring pagsabog sa Miller Hotel kung saan ginanap ang surprise birthday party ko sa aking asawa, marami ang mga nasaktan. Gusto kong humingi ng tawad sa mga nadamay sa gulo ng buhay ko ngayon. Ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital at kanina pa ako naghahanap sa aking mga magulang kay Ambrose dahil kanina ko pa ito hindi nakikita ng magising ako. Una kong inalam sa aking mga magulang ang kalagayan ng baby ko at nakahinga ako ng maayos ng sabihin nilang walang nangyaring masama sa baby ko. Kung hindi siguro ako hinila ni Dad palabas sa may ha

