TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 119 OTHER HALF IS MISSING DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NASAAN KA na ba Ambrose? Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa amin. Ayokong isipin na wala na siya. Hindi pwede… hindi siya pwedeng mamatay at iwan kami ng anak niya. “Dianne, wala na si Queeny,” sabi sa akin ni Alessandra ng makadalaw siya dito sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang mawala si Ambrose ay hindi na ulit ako pumunta doon sa bahay naming dalawa. Napagpasyahan na rin ng mga magulang ko na dito na rin manirahan si Manang Lucia at dito na siya magtatrabaho dahil pumayag na rin sila Mama Lara. Nang dahil sa sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Ambrose ay pati ang pusa na bigay niya sa akin ay hindi ko na magawang lapitan kaya ang kapatid ko na lang na s

