TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 8 ICE CREAM DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. PAPUNTA NA kami ngayon sa Miller Mansion at ang ginamit namin na sasakyan ay ang kotse ni Ambrose at siya na rin ang nagdadrive ngayon. Tahimik lang ako sa byahe hanggang sa makarating kami sa mansion. Agad kaming sinalubong ni Tita Lara at niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. “I missed you, Dianne! Minsa ka na lang dumadalaw dito sa mansion. Buti na lang at pumunta ka,” nakangiting sabi ni Tita Lara—I mean Mama Lara. “Thanks po, Ma. Sorry po kung minsan lang akong nakakapunta rito, busy po kasi ako sa work,” sabi ko kay Mama Lara. “Ahem!” pagputol ni Ambrose sa pag-uusap namin ni Mama Lara. Nakataas lang ang kanyang kilay habang nakatingin sa amin. Agad na lumapit si Mama Lara kay

