KABANATA 7

1321 Words
TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 7 MY BELONGINGS DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. PAGOD LANG si Ambrose kaya ganun ang kanyang pakikitungo sa akin kagabi nang makauwi na siya rito sa bahay namin. Hindi dapat ako mag overthink masyado dahil kauuwi lang ng asawa ko rito sa Pilipinas. Alam ko naman na hindi kami close ni Ambrose at hindi pa kami nagkaroon ng mahabang panahon pagkatapos naming ikasal dalawa dahil agad siyang pumunta sa Espanya para sa kanyang trabaho. Kaya ngayon ay susulutin ko na lang din ang panahon na ito habang kasama ko ang aking asawa. “Good morning, Ambrose! Nagluto ako ng breakfast para sa atin!” bati ko sa kanya ng makita ko siyang pumasok sa may kusina na nagkukusot pa sa kanyang mga mata. Ang cute niya kapag bagong gising! Parang ang anghel niya tingnan ngayon at hindi niya kayang manakit ng tao. Kung hindi ko lang siguro kilala si Ambrose ay baka aakalain ko na sobrang bait nitong tao na ‘to. “Kumain na tayo!” muli kong sabi sa kanya at binigay ko na sa kanya ang tinimpla kong kape para sa kanya ng maupo siya sa kanyang pwesto. Sobrang aga kong gumising para lang ma-prepare ko ang mga niluto ko ngayon para sa kanya. Gusto sana akong tulungan ni Manang sa mga pagluluto, pero ako na iyong humindi dahil gusto ko na ako lahat ang gumawa. Ito ang unang araw na makakasama ko ulit si Ambrose simula ng tumira siya sa Espanya. Ang tagal na rin talaga namin sa aming long distance relationship. Jusko talaga! “After eating, get ready. Pupunta tayo sa mansion ngayon,” wika ni Ambrose habang iniinom niya ang kanyang kape na inihanda ko para sa kanya habang kumakain. Bahagya akong napalunok sa aking laway at tumango-tango ako. “S-Sige, Ambrose…” mahina kong sabi at ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. Kinakabahan ako ngayon sa pagpunta namin sa Miller Mansion. Mabait naman sa akin ang mga Miller, lalo na si Tita Lara na close friend ng mga magulang ko. Pero iba pa rin talaga ang awra kapag nakapasok ka sa mansion nila eh. “Uhm, Ambrose…” tawag ko sa kanya habang patuloy kaming kumakain ngayon. Nag angat naman siya ng tingin sa akin at parang lumundag bigla ang puso ko sa kanyang titig. Inaamin ko na kahit LDR kami ni Ambrose ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Crush ko na siya dati, pero ng ikasal kaming dalawa ay minahal ko na siya kahit na hindi normal ang pagsasama namin simula ng ikasal kaming dalawa. Habang buhay ko na siyang makakasama dahil kasal na kaming dalawa at ayoko naman na hindi ko mahal ang makakasama ko kaya tuluyan na talaga akong nahulog kay Ambrose kahit na wala naman siyang ginagawa na nakakakilig sa akin. “Yes?” Bahagya akong nalunok sa aking laway dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon sa pagitan namin. Hindi pa rin ako sanay na nandito siya sa tabi ko, na nakakasama ko siya. Mas madali lang kasi ‘yung phone calls namin at mga text messages dahil malayo kami sa isa’t isa. Pero ngayon na magkasama kaming dalawa ay parang hirap akong magsalita. “H-Hanggang kailan ka ba dito sa Pilipinas, Ambrose? Dito ka na ba talaga?” tanong ko sa kanya. Baka kasi bigla na lang siyang umalis bukas pabalik sa Spain, diba? Ayoko naman na maiwan niya ako ulit. “I don’t know yet, Dianne. May trabaho pang pinapagawa sa akin si Dad dito sa Pilipinas kaya magsa-stay muna ako rito,” seryoso niyang sagot sa aking tanong. Napatango naman ako at hindi na ulit ako nagsalita at nagpatuloy ako sa aking pagkain. “Why did you ask? Are you sad that I’ll always be here with you all the time and you won’t see your boyfriend?” Muntik na akong mabulunan sa aking kinakain ng sabihin iyon ni Ambrose sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin ako sa kanya habang gulat pa rin ang ekspresyon ko sa aking mukha. “H-Huh? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, Ambrose? Anong boyfriend ka diyan? Nababaliw ka na ba?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Napainom pa ako ng tubig dahil sa gulat sa kanyang sinabi sa akin. Ambrose laughed. Mas nagulat ako nang bigla siyang tumawa habang nakatingin sa akin. Parang biglang bumilis ang t***k ng aking puso ngayon habang pinagmamasdan ko si Ambrose habang tumatawa na nakatingin sa akin. Parang biglang nag slowmo ang paligid at ang kanyang tawa. Shit… Ang pogi ni Ambrose habang tumatawa. “Pfft! You’re so funny, Dianne!” natatawang sabi ni Ambrose at muli pa siyang tumawa habang umiling iling. Ako ang dahilan kung bakit siya tumatawa ngayon. Agad akong napaiwas ng tingin at palihim akong napahawak sa aking pisngi dahil nararamdaman ko na parang namumula ako ngayon dahil ang init ng pisngi ko. s**t! Sana hindi niya mapansin ang pamumula ng pisngi ko. “S-Shut up! W-Wala akong boyfriend dahil ikaw naman ang asawa ko…” mahina kong sabi at bahagya akong ngumuso. Tumigil siya sa kanyang pagtawa kaya napatingin ulit ako kay Ambrose. Nakita ko siya na seryoso na ang tingin sa akin ngayon at parang bumalik na siya sa dating Ambrose, hindi iyong Ambrose na nakita ko kanina na tumatawa. Mahina akong napalunok sa aking laway at napa kurap kurap ako sa aking mga mata. “Good to hear that from you, Dianne. I’m a little bit territorial of my belongings… and it includes you, wife,” seryoso at malamig na sabi ni Ambrose habang nakatitig siya sa aking mga mata. Para akong nanghihina ngayon habang sinasabi iyon ni Ambrose sa akin. Ang lakas pa rin ng pagtibok ng aking puso ngayon. “So, to avoid conflicts, don’t try to have another man while you marry me. If I caught you having an affair with another man, you would see the devil with your own eyes, Dianne Stephanie Miller.” HINDI MAWALA sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Ambrose kanina habang kumakain kami sa aming breakfast. Natigil ako sa aking pagsusuklay at napahawak ako sa aking dibdib. Kanina pa ito malakas ang t***k. Nababaliw na ba ‘tong puso ko? Tinatakot ba ako ni Ambrose kanina? Wala naman akong ibang lalaki at hinding hindi ko gagawin ‘yun. Kahit na hindi normal ang pagiging mag-asawa namin ni Ambrose ay hinding hindi ko magagawang magloko at maghanap ng ibang lalaki. Loyal ako kay Ambrose at kahit na hindi niya ako mahal, mag asawa pa rin talaga kami. I’m a little bit territorial of my belongings… and it includes you, wife. Ay nako naman! Muli ko na naman naalala ang sinabi ni Ambrose sa akin kanina. Bakit ako kinikilig?! Bakit ako kinikilig sa pagiging possessive niya? Ahhh! Jusko naman talaga. “Dianne?” “Ay kabayo!” Bahagya akong napatalon sa gulat ng may biglang kumatok sa pinto ng aking kwarto at narinig ko ang boses ni Ambrose sa labas. Bigla kong naalala na aalis na pala kami ngayon at pupunta kami sa Miller mansion. Dinoble ko na ang mga galaw ko ngayon sa pag-aayos ng aking sarili. “W-Wait lang… malapit na ako rito, Ambrose!” pasigaw ko na sabi upang marinig niya sa labas ng kwarto ang aking sinabi. Nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng aking sarili at ng matapos na ako ay lumabas na rin ako sa kwarto upang makaalis na kami ni Ambrose at makapunta na kami doon sa Miller Mansion kung saan nandoon na ngayon ang mga magulang at kapatid ni Ambrose. Woah! Parang bagong kasal pa rin kami ngayon ni Ambrose dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Masasanay rin ako at hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito na makasama ko ang aking asawa. Ipapakita at ipaparamdam ko sa kanya na hindi siya nagkamali na ikinasal siya sa akin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD