KABANATA 6

1118 Words
TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 6 HIS COMEBACK DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ISANG TAON na ang nakalipas simula nang ikasal ako kay Ambrose Miles Miller. Pero parang wala lang… hindi ko nararamdaman na naikasal ako sa kanya. Wala naman siya lagi sa bahay naming dalawa at parang ako lang mag-isang nakatira doon. Sa isang taon namin bilang mag-asawa ay bilang ko lang ang pag-uwi niya sa Pilipinas… limang beses lang. Grabe! Ayaw na niyang umuwi rito sa Pilipinas at parang doon na siya nakatira sa Spain. Gusto ko sanang sumama sa kanya doon. Na-open up ko na ito sa kanya, pero nagalit siya sa akin. Bakit daw ako aalis ng Pilipinas eh may mga obligasyon akong gawin dito at ito ay ang trabahuin ang mga trabaho ni Ambrose dito dahil asawa niya ako. At ngayon… ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang pagbabalik ng asawa ko sa Pilipinas. His comeback! Agad akong naglinis sa buong bahay dahil babalik na si Ambrose. Pati ang mga kasambahay ko rito sa amin ay natataranta na dahil kung anu-ano na lang ang mga inuutos ko sa kanilang lahat. Dapat malinis ang paligid at dapat maaliwalas upang maramdaman ni Ambrose na maganda rito sa bahay namin, na hindi na niya kailangan pang umalis. “Ma’am, excited na ho talaga kayo sa pagbabalik ni Sir, ‘no?” tanong sa akin ni Manang Lucia, isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay. Siya ang lagi kong nakakausap tungkol sa mga kalungkutan na nararamdaman ko kapag namimiss ko si Ambrose. At alam na alam niya talaga na excited na ako ngayon na makita ko ulit si Ambrose. Ngumiti ako kay Manang Lucia at tumango ako. “Y-Yes po, Manang Lucia. Alam mo naman na matagal na rin kaming hindi nagkikita ng asawa ko. Sa wakas, ngayon ay uuwi na siya!” masaya kong sabi. Tumango-tango si Manang Lucia at ngumiti rin siya pabalik sa akin. “Masaya ako na makita kang bumabalik ang sigla niyo, Ma’am Dianne. Excited na rin kami na magkasama na kayo ulit ni Sir Ambrose!” sabi ni Manang na parang kinikilig. Napangiti ako at naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi… para akong kinikilig. Nakaayos na ang lahat at si Ambrose na lang ang kulang. Ang huli niyang text sa akin ay nasa airport na raw siya. It means ay malapit na siyang makauwi rito sa bahay! Konting-konti na lang at makakauwi na si Ambrose dito. May mga hinanda rin kaming pagkain sa kanya ngayon dahil sigurado akong hindi pa siya nagdi-dinner. Kahit na gutom na ako ngayon ay pinipilit ko pa rin ang sarili ko na hindi kumain dahil gusto ko siyang kasabay. 11 PM na at malapit ng mag midnight, pero kaya ko pa… dapat magkasabay kaming dalawa ni Ambrose. Atomatiko akong napatayo ng marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas kaya agad akong lumabas upang tingnan kung si Ambrose na ba ito o hindi. Lumaki ang ngiti ko ng makita ko siyang lumabas mula sa sasakyan. Agad akong lumabas sa bahay at lumapit ako sa kanya. “Ambrose!” tawag ko sa kanya. Napatingin si Ambrose sa akin at ng makalapit ako sa kanya ay mabilis ko siyang niyakap. Naramdaman ko na parang natigilan siya sa pagyakap ko sa kanya, pero wala akong pakialam… miss na miss ko na talaga siya at ngayon ay niyayakap ko siya ngayon dahil namiss ko siya ng sobra. “Welcome home, Ambrose! Thank God at safe kang nakauwi ngayon! Tulungan na kita sa mga bagahe mo,” sabi ko at akmang kukunin ko na ang bag na dala niya ng ilayo niya ito sa akin at nagsalita siya. “I can do it already, Dianne. Pumasok ka na lang sa loob dahil malamig na dito sa labas,” malamig na sabi ni Ambrose sa akin at naglakad na siya papasok ng bahay. Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng sabihin iyon ni Ambrose at umalis na siya sa aking harapan at pumasok na sa loob. Akala ko ay nagbago na si Ambrose… sobrang lamig pa rin ng pakikitungo niya sa akin. Huminga ako ng malalim at sumunod na ako sa kanya papasok ng bahay. Agad kong nakita sila Manang Lucia na tinutulungan ngayon si Ambrose na mag buhat sa kanyang mga gamit. “Ambrose, kumain ka muna ng dinner. Mag hinanda kaming mga pagkain para sayo—” “I’m full already. Kumain na ako sa eroplano kanina. I’m tired already, Dianne. Matulog ka na,” malamig na sabi ni Ambrose at tinalikuran na niya ako at naglakad na siya ngayon paakyat sa may hagdan. Bahagya akong napatulala at napatingin lang ako kay Ambrose na paakyat ngayon upang pumunta sa kanyang kwarto. Parang nararamdaman ko ngayon ang pagkirot ng aking dibdib. Hindi man lang niya ako matingnan ng diretso sa aking mga mata ngayon. Hindi man lang niya ako binati pabalik o hindi anamn ay kinamusta? Hindi man lang siya kumain ng dinner… kahit respeto na lang sana sa paghahanda namin ng pagkain para sa kanya. Bakit ang tigas ng puso mo, Ambrose? Kailan ba lalambot ang puso mo at nang makita ko ang mag efforts ko para sayo? “M-Ma’am Dianne…” Napa kurap kurap ako sa aking mga mata ng maramdaman ko ang paglapit ni Manang Lucia sa akin. Napatingin ako sa kanya at hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapaiyak. Lumapit ako kay Manang at napayakap ako sa kanya. Hinagod hagod niya naman ang likod ko ngayon. “M-Manang Lucia… bakit ganun si Ambrose sa akin? Bakit ang tigas ng puso niya? Ang lamig ng pakikitungo niya sa akin?” umiiyak kong sabi habang nilalabas ko lahat ng mga hinanakit ko ngayon sa aking asawa. Narinig ko ang pag buntong-hininga ngayon ni Manang Lucia at hinagod-hagod niya ang aking likod ngayon habang umiiyak ako. “Baka pagod lang talaga ngayon si Sir Ambrose, Ma’am Dianne. Babawi ‘yun sayo bukas. Halika na, kumain ka na. Alam kong gutom ka na eh para makapag pahinga ka na rin,” malambing na sabi ni Manang sa akin at inalalayan na niya ako upang makapunta ngayon sa dining area. Humihikbi pa rin ako ngayon habang naglalakad papunta sa dining area upang makakain na. Sana nga pagod lang si Ambrose. Sana bukas ay maganda na ang pakikitungo niya sa akin. Ilang buwan ko siyang hinintay at hindi ako papayag na isang malamig lang na pakikitungo ang ibigay niya sa akin. Gusto kong mag improve ang relasyon naming dalawa bilang mag-asawa dahil isang taon na kaming kasal. Kailangan ko ng gumalaw upang hindi na ako iwan ni Ambrose. Hindi na ako makakapayag na muli niya akong iwan at muli siyang pumunta doon sa Spain. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD