TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 135 SA HIRAP AT GINHAWA DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “JENELOU.” Ang kapal ng mukha niya para tawagan ako ngayon. Sigurado ako na may kinalaman siya sa nangyari kay Ambrose at sa pagiging bayolente nito. At ngayon ay siya pa ang may hawak sa phone ni Ken. Sigurado ako na hawak na niya si Ken ngayon at alam ko na ang susunod niyang ipapagawa sa akin—papapuntahin niya ako kung nasaan sila. Pero ano ako tanga? Hindi ko gagawin iyon. “Did you expect me to answer the call today?” Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone sa phone ko ngayon. Gusto ko nang sumigaw sa sobrang galit, pero pinapakalma ko pa rin ang aking sarili dahil ayaw kong maramdaman niyang natatakot ako sa kanya. “What do you want again, Jenelou? Tatakutin mo ba ako? Kawawa ka n

