TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 136 HINDI IIWAN DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. NANG MATAPOS na kaming mag-usap ni Ambrose, nakita ko naman na pumasok sa loob ng kwarto niya si Papa Adler at si Mama Lara kasama si Joaquin. Mukhang naisip nila na puntahan na lang ako rito at mabuti na rin na marinig mismo ni Ambrose ang kondisyon niya. “Joaquin,” tawag ni Ambrose sa kanyang pinsan ng makita niya itong pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Nakita ko ang guilt sa mukha ni Joaquin ng hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Ambrose. Bahagya siyang ngumiti sa aking asawa at tumango siya. “Ambrose.” “Ambrose, you need to know something,” panimula na sabi ni Papa Adler. Seryoso ang kanyang mukha ngayon habang nakatingin siya sa kanyang anak. Nasa tabi ako ngayon ni Ambros

