TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 17 UNKNOWN DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. BUMALIK NA naman sa pagiging malamig ang pakikitungo ni Ambrose sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba ‘yung mga sinasabi ni Ambrose sa akin noong nag-open up ako sa kanya sa nangyari sa akin sa nakaraan. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinabi niyang hindi niya ako e-jujudge dahil ang lamig na naman ng pakikitungo niya sa akin. Ngayon ay nandito ako sa Saavedra Company, ang kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya namin. Dahil ako ang panganay na anak ng isang Steven Saavedra, kailangan kong magsilbi sa kumpanya namin. May tradisyon kasi sa mga Saavedra na kahit hindi ikaw ang magmamana sa kompanya, kailangan na magtrabaho ng panganay na anak sa kompanya. At dahil ako ang panganay ay ako ang nandito ng

