TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 18 YELO DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. TULALA AKO ngayon nang matapos ang pag-uusap namin ni Andrew sa phone. Gusto kong magsumbong kaagad kay Ambrose, o sa pamilya ko ngayon. Pero natatakot ako sa naging pagbabanta ni Andrew sa akin bago matapos ang pag-uusap namin sa phone. “Don’t you dare report this to the police or to your family, Stephanie. Isang pindot ko lang sa remote ko rito ay sasabog na ang bahay ng mga magulang mo, bahay niyo ng asawa mo—at madadamay rin dito ang mga mahal mo sa buhay. Ayaw mo naman siguro na mangyari ‘yun diba? Pwes, manahimik ka at maghintay ka sa susunod kong pagtawag sayo.” Nang sabihin iyon ni Andrew sa akin ay mas lalo akong natakot at kinabahan sa susunod niyang gagawin. Kilala ko si Andrew… delikado siya

