TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 63 PAGOD DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. DAHIL GALIT ako sa aking nasaksihan kagabi ay hindi ako sa kwarto namin ni Ambrose natulog. Hindi ko siya tinabihan at doon ako natulog sa guest room. Si Manang Lucia na rin ang pinaasikaso ko kay Ambrose dahil baka masampal ko ito at gisingin ko ito nang wala sa oras kahit lasing siya para lang makausap siya. Pero kailangan ko munang pakalmahin ang aking sarili dahil baka kung ano ang masabi ko at baka mag desisyon ako ng basta-basta at hindi nag-iisip ng tama. Kaya mas minabuti ko muna na hindi muna tumabi sa pag tulog ng asawa ko. Nandito pa rin ako ngayon sa guest room at tapos na akong kumain ng breakfast dahil maaga akong gumising para hindi ko makita si Ambrose sa paggising ko dahil baka mawalan

