TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 71 ANG BAGYO DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “WHAT THE HELL are you doing here?!” tanong ko kay Ambrose ng mahila ko ito palabas sa kusina upang makausap ito. Si Mama Lara ngayon ay busy sa kanyang niluluto na spaghetti at hinayaan niya na lang muna kami ni Ambrose na makalabas ng kitchen at makapag-usap. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ni Ambrose sa kanyang kilay at nagsalita siya. “Because this is my parent’s house? Bakit pa ba ako nandito?” pabalang na sagot niya sa aking tanong kaya tinignan ko siya ng masama. “Pilosopo ka rin ‘no? Alam mo siguro na pupunta ako dito, ‘no? Nakipag sabwatan ka pa talaga kay Mama Lara?!” tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at mahina siyang tumawa. “Wala akong alam sa mga pinagsasabi

