TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 72 SHARED ROOM DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINDI PWEDE na magsama kami sa iisang kwarto ni Ambrose. Nahihirapan na nga akong pigilan ang sarili ko kapag may konti kaming interaction ni Ambrose. Ito pa kayang kasama ko siya sa iisang kwarto at iisang kama ulit? Sigurado ako na ito na ang gagawin ni Ambrose upang makuha niya ulit ako at hindi ako makakapayag na makuha niya muli ang loob ko nang ganun na lang. “Wala na ba talagang ibang daan pauwi?” tanong ko habang nakatingin pa rin ako ngayon sa news sa TV tungkol sa baha. Pareho na napatingin sa akin si Mama Lara at si Ambrose. Kita ko sa mukha ni Mama Lara na para siyang naguluhan sa aking sinabi. Kinabahan ako bigla sa uri ng tingin niya sa akin ngayon. “Dianne, ayaw mo bang mag stay

