TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 73 ANG HINDI MAKATULOG DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MALUNGKOT AKO ngayon at hindi ko alam kung bakit. Ito naman ang gusto ko diba? Pero bakit nasasaktan ako? Napailing-iling ako at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Nasa shower room na ngayon si Ambrose at nakalapag na rin ang comforter at maliit na foam sa lapag kung saan siya matutulog. Sa katabi lang naman siya sa kama na hinihigaan ko ngayon matutulog. Pero hindi ko pa rin mapigilan na makaramdam ng kaba. Na-inform ko na si Ken na dito na ako matutulog sa Miller Mansion dahil walang madadaanan ang sasakyan ni Ambrose dahil baha ang kalye ng dahil sa bagyo. Malakas pa rin ang ulan ngayon kaya delikado talaga lumabas. Susubukan ko na lang na makatulog ako bago pa matapos na makalig

