TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 58 WEAKNESS DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “I HATE YOU.” Iyon ang huli kong salita na sinabi kay Ambrose bago ako manahimik hanggang sa makauwi kami sa aming bahay. Ang mafia pala ni Ambrose na Acebo Mafia ang tumulong sa akin para makawala ako sa pagkaka-kidnap ng mga taong hindi ko kilala. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nung lalaking may peklat sa mukha na grabe ang galit sa pamilyang Miller—lalo na kay Ambrose. Inuwi na nila ako ngayon sa bahay at makauwi ako sa bahay ay agad kong nakita sa harapan ng bahay namin si Manang Lucia na umiiyak. Akay-akay ako ni Ambrose palabas ng van at palakad papunta sa bahay. Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako habang patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iyak.

