TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 57 HATRED DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. TATANGGAPIN KO BA ang offer nitong dumukot sa akin na kumampi ako sa kanila at kalabanin ko ang mga Miller kahit na isa na rin akong Miller ngayon? Ang hirap mag desisyon… lalo na kapag hindi ko pa naririnig ang side ng mga Miller. Ayokong mag desisyon kaagad dahil baka makagawa ako ng maling desisyon. Ayokong mag desisyon ngayon dahil alam ko na hindi stable ang emotion ko lalo na’t wala akong maayos na kain at nanghihina ang buo kong katawan. Kahit na may galit akong nararamdaman kay Ambrose at tampo, ayokong tuluyan na kalabanin ang buong pamilya ng mga Miller dahil importante sila sa akin—lalo na ang dalawang malapit kong kaibigan na itinuturing ko na rin na mga kapatid na si Artemis at si Athena.

