TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 56 THE OFFER DIANNE STEPHANIE'S POINT OF VIEW. NANDITO PA RIN ako ngayon sa loob ng madilim at masikip na kwarto at nakagapos pa rin ang aking mga kamay at mga paa. Labis na ang panghihina na aking nararamdaman dahil wala pa akong kain at hindi pa rin ako nakakainom ng tubig. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila itong gawin sa akin para matuluyan na akong mamatay ngayon dito mag-isa. Wala na rin naman akong pag-asa dahil wala namang tutulong sa akin dito. Naging alerto ako bigla ng bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto iyong lalaki na may peklat sa mukha at may dala ito ngayon na pagkain at tubig. Bigla akong natakam sa dala-dala nito ngayon. Para ba ito sa akin? Seryoso ang ekspresyon nito sa mukha at bigla niya na lang nilapag ang da

