Chapter 46 Tahimik kaming dalawa na nasa loob ng kwarto ni Bless. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung sino ang tunay niyang ama. Wala akong sinabi tungkol sa kahit isa roon. Ang lagi kong sinasabi sa kanya ay iniwan kami ng ama niya nang mga panahon na pinagbubuntis ko siya. Ayon lang. “Anak, anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa pwede niyang isagot. Kaya ba hindi siya nagtatanong sa akin tungkol sa ama niya dahil doon? Dahil matagal na pala niyang alam? “Tama na po, Ma.” Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan niya bago tumingin sa akin. “Alam ko na po.” “P-Paano?” kagat labi kong tanong. “Nakita ko po siya mula sa malayo. Nagpakilala siya sa akin. Matagal ka na niyang gustong lapitan, Ma,” seryoso ang pagkakasabi niya. Para

