Chapter 47 Tulala ako sa kwarto kung saan natutulog nang mahimbing ang anak ko. Hindi ako makapaniwala. Nandito na kami ngayon. Nang nakaraan ay hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing iniisip ko na dumating kami sa puntong ito pero ngayon, nandito na. Heto na kami, at hindi ko alam ang gagawin ko. Kung kailangan ko ba na piliin ang taong magpapasaya sa akin o ang magpapasaya sa anak ko. Nilingon ko ang cellphone ko mula sa gilid. Kanina pa ‘yon tumutunog at kanina pa rin tumatawag si Gelo. Hindi ko siya kayang kausapin dahil anytime ay naiisip ko na ang selfish ko sa gagawin kong desisyon. Nang mamatay ang tawag ay in-off ko ang cellphone ko. Gusto ko munang mag-isip isip. Hindi na pwedeng magkamali pa ako sa gagawin kong desisyon ngayon. Kaligahayan at ang anak

