Chapter 48 Litong-lito ang isipan ko habang pauwi ako ng bahay. Iniwan ko na siya sa pwesto namin kanina at hindi ko na narinig pa ang paghahabol niya sa akin. Ang anak ko na lang ang nagkokonekta sa aming dalawa at hindi ako papayag na babalik ako sa araw na wasak na wasak ang puso at pagkatao ko. “Dito lang po.” Huminto ang tricycle sa harap ng bahay namin. Inabutan ko siya ng bayad at nginitian. Pumasok ako sa bahay. Napakunot ang noo ko nang mapansin na mula sa bintana ay bukas pa ang ilaw sa kwarto ng anak ko. Sigurado akong pinatay ko ‘yon kanina bago ako umalis ng bahay. Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay at hindi ko pa man tuluyang nasasara ang pinto ay bumungad na sa akin si Gelo. Tulala lang siya at hawak-hawak ang isang kopita na may lamang alak. “Gelo, anong gin

