Chapter 49 Ramdam ko ang sakit ng mga mata ko nang unti-unti ko itong iminulat. Doon ko lang naalala na nakatulog ako habang umiiyak. Hindi ko na rin sila nahintay na matapos sa pag-uusap. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text ang office mate ko na hindi ako papasok. Kailangan ko munang ayusin ang problema rito sa bahay. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos kung may problema kami ng anak ko. Sinilip ko ang oras, mag-a-alas diyes na pala. Siguradong si Papa na ang nagluto ng umagahan namin at si Gelo, hindi ko alam kung umuwi pa ‘yon kagabi pero sana, hindi na muna. Kailangan ko siya ngayon para sa anak ko. Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba ng salas at mula roon ay nakita ko si Papa na nakaupo habang may hawak na kape at nanonood sa cellphone. “Pa, kumain na kayo?” bungad

