Epilogue “Negels, maghubad ka raw muna ng slippers bago ka lumusong sa tubig!” Naagaw ang atensyon ko ng isang tili sa kalayuan. “Kuya, sabi ni Dada, marumi raw kapag walang slippers kapag naglalakad,” buwelto ng kausap niya at pilit na pinapabigat ang kanyang sarili nang hilahin siya ng kanyang kuya. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Napansin ako agad ni Bless at binitawan ang kapatid niyang ayaw magpapigil. “Ma, ang kulit ni Negels! Ayaw niyang ipahubad ang slippers niya,” sumbong niya sa ’kin at tinuro ang kapatid niya na nakasimangot sa kanya. Tumango ako kay Bless at lumuhod kay Negels. “Baby, tama ang kuya mo. Kailangan mong tanggalin ang slippers mo kapag lulusong ka sa tubig,” pangaral ko sa kanya. “Pagagalitan ako ni Daddy kapag naglakad akong walang slippers, Mom!” pagraras
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


