Chapter 12.1 Ang paglaban ay hindi naman masama basta’t alam mo sa sarili mong hindi ikaw ang nauna. Mahirap kasi ‘yong sobrang palaban pero wala na sa tama. Iyon ang natutunan ko kahapon. Bakit ka magpapaapi, bakit ka magpapakumbaba kung ikaw naman ang tama. Hindi pwedeng hinahayaan mo lang ang iba na ipagpatuloy ang gano’ng ugali at kaya-kayanin ka sa mga bagay. Busy ang lahat sa pag-aayos ngayon. Mula sa sahig, salamin at pader ng canteen ay maayos naming nililinis. Gabi na rin. Maagang nagsara ang karinderya para na rin sa paglilinis. Hindi naman kawalan ng sobra ang ilang oras na isasara. Mas mabuti nang maayos ang lahat ng bagay dito dahil mukhang mamahalin lahat at hindi basta-basta nakukuha. “Himala yata at hindi lumabas ang ipokritang apo ni Nanay?” ani Miley na pinupunasan a

