Chapter 11.2 “Ako pa ang inaakusahan mo ngayon?!” nanggigigil niyang sabi at akmang hahablutin ako nang pigilan siya ni Mark. “Wala akong sinasabi na ikaw ang may pakana. Ang sabi mo, ikaw ang balak kong tapunan kaya bakit ako sa mismong pwesto mo nadapa?” Umalis ako sa pwesto ko at kumuha ako sa sahig ng iilang mga nahulog na pagkain at nilagay ‘yon sa plato ng kasamang natapon. "Kung dito ako nadapa, siguradong masasapol no’n si Nanay. Kung dito naman ako natapilok, dapat sapol sa ulo mo.” Naupo ako sa pwesto ni Kuya Dan. Napansin ko na nandito na rin sila Kitty at ang iba pa. “Kaya kung ikaw talaga ang balak kong tapunan, bakit sa pwesto mo?” “Inaakusahan mo ako na pinatid kita?!” galit niyang sabi bago tumingin kay Nanay na parehas ding nakatingin sa ’min. Nakatingin siya sa ’kin

